Blog

Auto Cutloss Daw

Noob: (may pagyayabang) maaaaaaam….hehe

Ganda: yes?

Noob: maam alam mo no worries na ako sa trading.

Ganda: okey…bakit naman?

Noob: kasi maaaaaam….

Noob: May auto cutloss ang broker ko. Boom panes yung ibang broker!

shocked face gif

IGNORANCE

I do not like ignorance. Minsan may time na I find myself ignorant but as much as possible ayaw ko ng ganun.

This attitude did not start today, noon pa to since bata pa ako.

I remember one time pinauwe ako sa camping hahaha

 

CampMaster: Kids my kukuwento ako sa inyo. True story to. Makinig kayo mabuti. (Nasa malapit kami lahat sa bonfire)

CampMaster: Sa isang liblib na bayan sa Negros may kakaibang nangyare.

LittleGanda: uhmmm saan na bayan sa Negros sir?

CampMaster: Sa…. Bacolod..

LittleGanda: uhmmm City po ang bacolod sir

CampMaster: Ay sa may malapit sa mambukal spring na bayan pala.

CampMaster: May kahindik hindik na pangyayare noon sa bayan na yun.

LittleGanda: Sir anong date po?

CampMaster: Ahh ehh… 1960’s

LittleGanda: May mambukal spring na po 1960’s sir? Naisilang na po kayo noon sir?

CampMaster: (Kunyare di narinig si ganda) May isang babae doon. Tuwing gabi ay pumupunta siya sa sementeryo.

CampMaster: May dala siyang lana. Nilalagay niya sa tiyan niya ang lana.

CampMaster: Sa ilang sandali ay nahahati ang katawan niya at ngkakaroon siya ng pakpak.

LittleGanda: Nagkakaroon ng pakpak sir? Saan galing yung pakpak?

CampMaster: Sa likod niya tumutubo.

LittleGanda: Paano tumutubo sir. Ano meron sa lana para tumubo pakpak niya. Dapat e mass produce yun sir para hindi na kailangan sumakay eroplano o barko ang tao.

CampMaster: (kunyare di narinig si ganda pero napipikon na) Lumilipad siya gamit ang pakpak niya. Siya ay isang manananggal!!!(sabay lakas boses at ngsigawan kasama ko)

CampMaster: Pumupunta siya sa bahay ng mga buntis para kainin ang sanggol.

LittleGanda: Sir teka lang. Nahati katawan niya. Tapos kakain siya sanggol. Saan mapupunta yung kinain niya eh wala siyang tiyan kasi hati?

CampMaster: (Hinga malalim) Takot lahat sa kanya. Ang ginagawa ng asawa ng mga buntis ay naglalagay bawang sa paligid ng bahay.

LittleGanda: Sir bawang?Ano meron sa bawang?

CampMaster: (tumayo, naglakad, huminga malalim at bumalik) Ang sekreto para mapatay ang mananaggal ayon sa kanila ay lagyan ng asin yung kalahati ng katawan niya na naiwan.

(Lahat nakatingin sa akin at naghihintay sasabihin ko)

LittleGanda: Sige sir tuloy mo lang.

CampMaster: Kapag nilagyan ng asin ang kalaha…..

LittleGanda: Sir, so kaya niya ang sakit na mahati katawan niya. Kaya niya matubu.an pakpak. Pero di nya kaya ang asin? Di lang yun. Ikamamatay niya ang asin?

(Next thing I know never na ako na invite sa camping ever again)

Allowed or not allowed ang auto stoploss/autocutloss order sa Pse?

The conditional order type is currently not allowed by The PSE. Real definition of conditional orders are trigger prices that if hit will be done by the exchange. We have not receive any reason why PSE doesn’t allow this. One possible reason is their server limitation limit. (but that is only a speculation)

How come may iilang broker na may ganun?

There is a broker whose platform is designed to have a conditional feature noon but was asked to deactivate since this is not yet allowed in the Philippines.

 

Eh bakit si AAA meron aber?

AAA made a workaround to make things technically accepted. It’s called parked orders.

 

What are they doing?

AAA applied a type of order wherein they will park the ORDERS on their server and wait for the price to be triggered. When the price is triggered, that will be the time when AAA will release the order to go to PSE line.

Parang GTC pero sa sell order?

Not like GTC orders that are already parked on PSE queue. This one is parked on their server and wait for price to be trigerred. Kapag ntrigger ang price, yun na ang time na e rerelease nila papuntang market PSE line.

Better version pala ng GTC?

GTC is actually a lot better. (conditional orders work both way – price hit whether lower or higher) if you want to hit your target profit price.

Pero kahit tulog ka mabebenta mo hawak mo.

Well, in a matter of saying, yes.

If the orders price entails a big volume – it will not be as fast as an order posted that day with a dedicated lease line. Mauuna parin if wala silang ibang daan but with the orders posted by other brokerages papuntang PSE.

Another disadvantage of conditional is – if huge price fluctuates, and it spiked upwards (I think FRUIT it happened) talo ka pa din : The main disadvantage is that a short-term fluctuation in a stock’s price could activate the stop price. The key is picking a stop-loss percentage that allows a stock to fluctuate day to day while preventing as much downside risk as possible. Setting a 5% stop loss on a stock that has a history of fluctuating 10% or more in a week is not the best strategy. You’ll most likely just lose money on the commission generated from the execution of your stop-loss order.

 

May better option ba talaga mam na out there oh wala

At the end of the day, if your broker has a dedicated lease line and the volume posted are huge, possible parin mauna sila.

Yung mga iceberg sell order kumbaga.

If busy ang schedule mo at hinahanap mo ang auto cutloss. Maybe, just maybe ibahin mo style mo ng pagtrade. Yung nauuri sa scedule mo.

Wag mo e pilit ang di nararapat kasi masasaktan ka lang. Chos!hahaha

So walang best option?

Dedicated lease line.

Available yan sa Pilipinas?

Yes.

What is it?

Lets reserved it for another blog… soon….

 

As long as Im here not I will educate my TL Family. I don’t know everything. Minsan nagkakamali din ako but ang kinaiba ko lang is di ako madamot sa impormasyon. I will help you understand the stock market more. As much as I can, I will give you an edge/advantage through free learning…

We are about to be 41k members na!!!

35 Comments

  • Rain

    Hahahahahahaha..
    Talo Ang Regal Shocker dun, sa “going Bulilits” ..
    Lab the Manananggal storyline..

  • Local Alien

    natawa ako sa kwento ng manananggal (apologies at hindi masyado sa lesson)… ganun ang karamihan sa Pinoy, pag tinanong sasagot, kahit di alam ang sagot… pansin ko lang…

    back to the blog… exactly correct dahil sa broker site yun conditional order,.. no assurance the order will arrive in time sa PSE.

  • BARR Y TOMS

    Natawa ako sa manananggal na naputol ang katawan at tinubuan pa ng pakpak bigla pero mamatay lang pala sa asin…hahaha! Then kakainin ang fetus eh wala namang tiyan dahil putol nga ang katawan, make sense kung saan pupunta ang kinakain niya. Kahit YoungGanda ka pa pala noon Ma’am Gandakoh, napakatalino muna. Thank you very much for the guidance and for sharing your talents, Ma’am! God bless you always, cheers!

  • Ligaya Eleazar

    Thank you po. Lahat po ng mga sinasabi nyo ay bago sa aking pandinig. It’s a whole new world for me. I’m proud to say that I’m becoming less ignorant each day.
    Maraming salamat po.

  • Ryle

    Ganan talaga kapag curious, mapapatannong ka talaga!

    Mali pala perception ko, na porket may auto cutloss si AAA eh swak na un sa sched.
    Thanks po!!

    • Elmer

      Another quality info coming from Lovely ms Gandakoh….ehhh bakeet?
      Bakit wala nyan sa PSE, and what is the adv./disadv.if this system apply to PSE.
      God Bless ms Gandakoh
      FLY HIGH TL FAM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

X
%d bloggers like this: