
Ayoko Mag Katlos! Leave Me Alone!
OK marami ayaw magcutloss. Marami takot magka loss kaya ayaw magcut. Here is the one analogy behind sa cutting your losses.
Isipin mo na may basket ka sa isang farm. Laman ng basket mo are apples. Ok, mangga na lang para Pinas yung set up.
Hinog at masarap na mangga are your winners. Mga stock na green sa port mo. Yung bulok na mabaho are stock na red sa port mo or your losers. Now, dapat yung goal mo is e keep yung mga hinog na masarap at itapon yung mga bulok na mabaho. E keep mo mga hinog na masarap at e benta with profit. E cutloss mo mga bulok na mabaho. Lahat ng natalo mo sa market mababawe mo yun.

Ganyan si market as long as anjan ka at di ka bumibitaw sa pagtrade eh bibigyan at bibigyan ka ng pagkakataon mabawe mo mga natalo mo three years ago or two years ago or one month ago.

I’m on my fifth trade na. Yung fourth ko was a loss. I cut/sold it. It would be nice to have a longer winning streak pero yung gamit ko na system nagbigay sell signal so I sold my position fast. If I look back noong bago pa lang ako sa trade, I always hesitate to cut my losses. “Wait lang konti baka maka recover sayang. Paper loss pa lang naman to hanggat di ko nabebenta” As you gain more experience at as you grow as a trader you will find out na cutting your losses is a must. You will either find it out in a good way or in a bad way.
I had no time e screenshot yung loss ko which was around 3% kanina kasi madali.an. Di ko pa tinitingnan ang stock na yun ulit.

Two things lang kasi mangyayare if after mo benta eh titingin ka sa stock na yun. Una is manghihinayang ka kapag umangat ang stock after mo benta at matemp bumili ulit. Pangalawa is feeling smart.ka kapag after mo benta at bumagsak lalo ang stock na nabenta mo. Both of those are bad. If you you really think about it kasi you will see na you made an analysis prior sa pagbili mo. After mo bumili it’s either tama analysis mo or mali. If tama then your stock will go up. If mali naman loss ang result. If the trade result is not how you thought it would be simply admit na mali ka at cut mo losses mo.
My fourth trade was a loss. After ko magcut nakahanap new trade. Sell rotten apples and replace with good ones. I’m on my fifth trade now. Here:

Sa lahat ng newbies. Sa lahat ng OFW. Sa lahat ng maraming ipit at losses. Sa lahat ng trader sa Pilipinas. I made a trading course called Tabula Rasa. Take that course and I guarantee na you will improve. E share ninyo sa kids at family ninyo para they will learn about trading properly. Free po yun. Never po ako nag aask ng fee. I trade for a living. I get my money sa trades ko. I hope the course will help a lot sa trading community.
Here is the link for the course outline TABULA RASA.
If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group called Trader’s Lounge.
Our advocacy is sharing ideas, experiences and knowledge to traders for FREE. We offer free Technical Analysis, Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials for free.
We also have weekly lessons over there. We created different trading strategies like MAMA which made a lot of traders profitable. Other trading strategies include FISHBALL, PAPA, CALMA and more. We want to offer OFW’s, Employees and all Filipino people a chance to learn without paying a cent.
We also have a Youtube Channel wherein I myself discuss strategies and trading related topics.
Come join us. Let us push free learning.


You May Also Like

UPGRADE
May 1, 2022
Protected: DMC Trade
September 13, 2021
3 Comments
mako solano
Eto yung bagay n mahirap alisin sa systema ko “not cutting loss”. Will try to be a robot sa next loss ko. Thank you po
mario
thanks ms.ganda..
yan talaga ang gusto ko aralin mag cutloss,
hindi mag hold na baka bukas umakyat tapos ayan inabot na ako ng mag 2months hindi na nakaakyat at bumaba pa ng husto.
anyway kailan ko lang nalaman ang mama kaya simula ngayon ay i-apply ko na yang cutloss..
thanks.. paweeerrr… hahaha parang si ano lang ah..????/ hahahah
Falcon
thank you admin and ms gandakoh..