Blog

Board lot

(To read Episode 1 click here)

_______________________________________________________________________________________________

Habang nasa helicopter sina Don Pepot at Kiko may itinanong si Kiko ky Don Pepot.

Kiko: Senyor, since bibilhin mo ang MER may pakisuyo sana ako sayo. 

Don Pepot: Ano yun? 

Kiko: Di ba senyor matagal na rin ako naninilbihan sa iyo?

Don Pepot: Oo.

Kiko: Diba ni minsan di ko nasira tiwala ninyo at maasahan mo ako kapag may utos ka? 

Don Pepot: (Naaamoy ko na ito… mag aadvance ng sahod to eh) 

Kiko: Diba lahat ng utos mo sinusunod ko naman?

Don Pepot: Oh sya sya magkano eh aadvance mo? 

Kiko: Ay no sir! I will not Oh juice you. 

Don Pepot: Ano? 

Kiko: Di po ako uutang. Di ko alam english ng utang so O tsaka Tang na juice na lang pinagsama ko. Taglish po. 

Don Pepot: Tigilan mo nga kakapanood mo sa tiktok. Walang “oh juice you” sa english. 

Kiko: Kasi senyor gusto ko sana magkaroon ng dalawang shares ng Meralco. May na itabi ako na 1k so kung 266 ang per share kasya ang 1k ko may sobra pa.

Don Pepot: ahhh ganun ba… 

Kiko: Yes… ay… oo pala. 

Don Pepot: Sige may papaliwanag ako sayo. Ang stock market ay bilihan at bentahan ng stocks. Isipin mo yung monggo. Di ba kapag bumili ka ng mongo per baso or per kilo? Wala ka mabibili na per piraso tama. 

Kiko: hahaha. Per peraso? Ang tanga naman ng bibili ng per peraso ng monggo. Ang bobo nun. Hahaha. Monggo tapos per peraso. Hahaha. 

Don Pepot: Tama ka. Walang bumibili ng ganun. Kung meron man bihira. Sa stock market ganun din. Walang bumibili ng tingi tingi o kung meron man eh iilan lang. Instead na per baso or per kilo ang tawag nila sa stock market ay board lot. 

Kiko: Board lot? 

Don Pepot: Oo board lot. Ito ay yung minimum na pwede mo mabili na share sa bawat presyo. Kung sa munggo eh minimum isang baso ganun din sa stock market may minimum.

lot size pse

Kiko: Ahhh… so hindi pwede dalawang shares lang? 

Don Pepot: sa MER hindi kase minimum niya ay 10. 

Kiko: Eh diskriminasyon pala yan senyor. Paano ang tulad ko na dalawang shares lang kaya bilhin? 

Don Pepot: Well, naisip din ng mga nasa stock market yan kaya gumawa sila ng espesyal na lugar or espesyal na bilangan na tinatawag na ODD LOT or odd lot market. Dito pwede ka bumili or magbenta per tingi. Ang problema eh wala halos buyer o seller diyan. Kung bibili ka ng MER na dalawang shares wala ka mabibili sa market price. Baka meron nagbebenta pero 300 ang presyo o meron nagbebenta eh isang share lang. 

Kiko: Ay ganun bah. So kahit pa pala 266 ang per share na presyo ng meralco stock ay may minimum pa rin na tinatawag na board lot. 

Don Pepot: tama! 

Kiko: Bakit ganun? 

Don Pepot: Good question. Dati kase hirap sa papeles ang mga brokerage firms. Matrabaho kase kapag per transaction eh per tingi bilihan. Isipin mo na lang may bibili ng MER na 10,000 shares tapos bibili siya ng tig isa, tig tatlo, tig pito. Ang daming paperworks nun at hindi siya uniform. Kaya nagkaroon ng isang board lot system para me isang batayan na at di na masyado mahirap sa pag report at pag account. 

Kiko: Ang galing…. so alam na this senyor! 

Don Pepot: Anong alam na this? 

Kiko: alam na this meaning dagdagan mo 8 shares ang dalawang shares ko para pasok sa minimum. Panget naman kapag tingi tingi. Kaya nga may boardlot eh.

Don Pepot: Oh juice! Sige na nga… Abangan..

5 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: