Tricks and Tactics

Broker’s Trick and Tactics: Auto Cutloss

WHAT IS AUTOCUTLOSS?

Bago ang lahat kindly read this blog muna para informed ka kung ano ba talaga ang tinatawag nilang autocutloss na yan. 

How do brokers earn?

Na establish na natin sa previous Broker’s Trick and Tactics na yung broker earns through commissions on executed trades. Walang pake ang broker kung profit ka man or loss. Sa executed trades sila kumikita through commissions. Meaning if you buy, boom! Commission! If you sell, boom! Commission! If you hold, toinks! No Commission!

AUTO CUTLOSS

Sa taas na establish na natin saan kumikita ang brokers.

Now, ginawa yung auto cutloss para kung di mo mabantayan ang stock mo at bumagsak ay safe ka kase automatic na magcutloss.

Laking tulong di ba?

Grabe. Ang bait ng broker mo di ba?

Like as in. Ginawan nila ng paraan para tulungan ka.

Isipin mo yun. Yung ibang broker gusto lang magkapera through commissions tapos broker mo yung nag iisa na gusto ka tulungan.

Galing noh?

Newbie: Maam parang hindi ko gusto tono ng pananalita mo parang me something eh.

Ganda: Wala. Yun na yon. Ambait ng broker mo.

Newbie: Parang iba maam eh…

Ganda: Sa tingin ko, sa umaga pag gising ng broker mo iniisip nila “hmmmm paano ko kaya mapaganda buhay ni newbie?Di bale na di kami kumita basta mapagaan ko buhay niya?Hmmm…kumain na kaya yun?Nagtake kaya vitamins niya yun?Nag e-exercise ba yun?May mask ba yun pag lumalabas?”

Newbie: ……

Ganda: If ganyan ka mag isip, you are ignorant!

Newbie: Sabi ko na eh me something!

Newbie: Eh ano yung auto cutloss if hindi yun tulong?

Ganda: Saan nga ulit kumikita ang brokers?

Newbie: Executed trades through commissions

Ganda: Ano nangyayare kapag nag cutloss ka?

Newbie: ahhh ehh.. na execute mo ang sell or…. holycrap!

Newbie: What the heck! Business Strategy pala yan maam to get commissions?

Ganda: Let me put it this way. Simplehan ko.

YEARS AGO

I had a friend noon na ngwowork sa COL and I asked her bakit wala sila stoploss or auto cutloss feature. Yung sabi niya is ok naman daw commissions nakukuha nila from traders at ayaw nila manghit ng orders for commission purpose.

Look at this picture:

May open. May close. May low. May high. Focus ka sa low. Lets say bumili ka stock at 1 peso. Nagset ka auto cutloss sa 0.95 dahil diyan yung support. Hindi lang ikaw. Marami kayo na may broker nag ooffer ng auto cutloss ang nagset sa 0.95 as your autocutloss price. Nakikita ng broker mo marami order doon sa 0.95 peso.

Ganda: Saan nga ulit kumikita ang broker mo?

Newbie: sa executed order through commissions.

So, seeing marami kayo posted order sa 0.95, konting pitik lang sa 0.95 na price ay executed agad orders nyo. Pitik lang. Hit lang orders sabay balik sa taas ang price. Kung sa candle mo tingnan ay day’s low lang.

Newbie:

Niluluto ka sa sarili mo na mantika.

Newbie: Kaya pala ilang beses ko naranasan na parang pinitik lang pababa then pag closing eh bumalik price sa taas.

Ganda: sa forex, crypto, etc need mo yan dahil sa volatility at liquidity doon but sa PSE na iilan lang gumagalaw nagiging avenue lang yan para sa income stream ng brokers.

PROUDLY MISINFORMED

Outside TL marami ka makikita na proud na proud sa autocutloss nila. Wala silang idea sa cons puro lang pros pinipresent sa kanila. Sa TL hindi. If may information need ibigay sa bawat member. If may one thing na dapat eh improve mga brokers its the speed of execution.

Speaking of speed of execution, may di kayo alam na gawain ng brokers. Yan ang sunod na Broker’s Tricks and Tactics blog natin.

Ang blogs ko ay para lang sa TL Family ko. If di ka member ng family ko at nababasa mo ito please stop. May mga things at information na di mo magegets since para lang sa TL Family ko ginagawa ang blogs na to.

13 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

X
%d bloggers like this: