
COL USERS READ THIS
TOP 10 ONLINE BROKERAGE FIRM IN PHILIPPINES
Nakakakita ka na ba ng blog or articles about top 10 brokerage sa Pinas? Marami yan sila nagsusulat ng ganyan. When I read those things I laugh so hard especially if they list COL as their number 1 on the list. Why do I laugh so hard? Kasi the people who write those kinds of things are ignorant. They are looking at brokerage firms like its a popularity contest. They dom’t even know nga what to look for sa isang online brokerage firm. Di lang yun kasi it seems na most traders don’t even understand kung ano at paano nag ooperate ang isang online brokerage firm. Lucky for you dahil TL Family kita. I will tell you all the things you need to know na di mo malelearn sa ibang blog or kahit pa sa mga kung anong seminars na inooffer ng mga gurus outside TL.
WHAT IS ONLINE BROKERAGE BUSINESS?
Simulan natin sa pinakauna. May stock market. May brokerage firm. May trader/investor. Para maka buy and sell ang isang trader/investor sa stock market kailangan niya ang isang brokerage firm. Think of it as a bank. Para makadeposit ka or withdraw sa bank kailangan mo ang tulong ng teller.
Dati wala pang access sa internet halos ang lahat. Sa term natin ang tawag ay “mano-mano” pa ang pag order. Tatawag ka sa broker mo at sila magplace ng orders mo. Ganyan dati. Ganyan designed ang brokerage firms sa Pinas. Wala din halos retail traders noon. Mga clients ng brokerage firms are governments, companies at mga wealthy businessmen. So, yan ha nakakasunod kayo sa mga sinasabe ko kase Im trying to simplify things for you. This is the 15th edit of this blog already. Niremove ko na mga technicals at mga irrelevant ideas such as bakit dalawa ang exchange dati and all those things para di kayo maconfuse.
Then, nag advance ang technology. Nagkaroon internet. Nagkaroon online buying and selling. Yung mga brokerage firms na ito most ng may ari niyan mga matatanda. Yan di narerealize ng mga traders. Old school mga owners ng brokerage firms. So, nag advance ang technology eh di kailangan din sumabay ng mga brokerage firms. Ano ginawa nila?
3RD PARTY DATA/SERVICE PROVIDER



Ano yang mga tinuturo ng kamay sa picture na yan?
Recap ko lang para masundan ninyo yung pinupunto ko. Old mga owners ng brokerage firms sa Pilipinas. Mano-mano ang pag order dati sa mga brokerage firms. Nag advance ang technology kaya kailangan nila sumabay.
Now, yung mga brokerage firms na yan wala silang idea or capability sumabay sa pag advance ng technology. Mahirap na at sobrang expensive pa. Ano ginawa nila? They bought services ng third party vendor or third party data provider. Yan yung mga tinuturo ng kamay sa picture.
Si COL iwave yung third party.
Sina AP, fmsec, bpi ay technistocks.
Si AAA ay Dubai-partner Direct FN
Si Mytrade N2N
The rest na maliliit ay yung offer ni PSE na flextrade.
If may alam ka sa third party provider magegets mo na yung changes na pwede magawa ng brokerage firm sa service na provided by third-party vendor ay napakalimited. It’s insane. Yung technistocks kulay lang pwede palitan ng brokerage firm. If na notice mo lahat ng nasa technistocks na firms ay magkakamukha at kulay lang naiiba.
Bawat galaw din diyan ay pera usapan. Gusto mo palitan yung isang feature?Bayad ka millions of dollars. Gusto mo eh update chart?Bayad ka hundreds of millions.
So, kung dati akala mo yung BPI mo or FMSEC yung may hawak or control sa online platform nila ngayon alam mo na na mali akala mo noon.
Lahat ng activities mo online ay dumadaan sa third party na nihire ng brokerage firm mo.
SEARCH FOR ONLINE BROKERAGE
If TL Family ka naaalala mo pa noon na we were searching for the best online brokerage na eh share or e recommend sa inyo. Marami hindi naintindihan yung sinasabe namin. Akala nila by best eh yung best magbigay ng referral fee hahaha. Matagal kami naghanap. Ang dami namin natest. Mula COL, AAA, FMSEC, PHILSTOCKS,etc. ay tinesting namin. Let me give you an example of one of the tests na ginawa namin para lang magka idea ka bakit matagal namin natest ito.
TIME INTERVAL
Paano ba ang isang order nangyayare. Ang isang order ay ganito. Pindot ka buy if bibili ka at sell if bebenta. After nun, ang order mo ay aaccept ng broker mo then post nya or e pila then if may katapat order executed na. If wala or if konti lang order partially executed. So ganyan. Automatic noh?No!!! Let me open your eyes!
Pagpindot mo ng buy button or sell button tatanggapin ng broker mo order mo. Sa col tawag dun order accepted. Sa mytrade order submitted. Mula sa pag accept ng broker mo ng order until ma e pila nya order mo tawag diyan is TIME INTERVAL. Diyan ngkakatalo. Dyan ka nabubuhusan. Yan ang pilit tinatago ng broker mo na info sayo. Di man tinatago but ayaw ka nya tumutok dun.
Malas nila kase TL Family ka.
So pagpindot mo buy may time interval yan mula sa pg accept ng broker mo at pagpila niya. Pag pindot mo ng buy or sell sa col ORDER ACCEPTED lalabas. Meaning natanggap nya order command mo. May time stamp yan. Then ipapasa nya sa pila sa pse. Tawag dun ORDER POSTED. Yung time interval between order accepted to order posted is VERY VERY IMPORTANT. Dapat sobrang bilis. Kasi diyan ka mabubuhusan. Walang silbi auto-cutloss mo sa buhusan.
Sa mytrade naman kapag pinindot mo yung buy or sell ang tawag eh ORDER SUBMITTED. After mareceive ng broker mo ang command mo ipapasa niya sa pila or sa pse tawag dun ORDER IS IN THE MARKET.
Ito ay napakahalagang bagay. Di mo to makukuha sa mga master master class nyo na seminar or mga summit summit nyo na seminar. Mga totoong matatagal na sa merkado ang nakakaalam nito.
So, the next time maghanap kayo ng broker e tanong nyo time interval ng order nyo sa pag post nila. Kapag 1 second or more umuwe ka na. MABAGAL yun.
Bigyan ko kayo ng example sa picture.
Now iba sa inyo iniisip is “pag walang match or walang sellers or buyers di naman ma carry out order mo”
Yes true! But wala tayo pake doon. Di natin control yun. Di control ng broker mo yun. Ang control ng broker mo is mula order mo papuntang pagpasa nila sa pse or sa pila.
Here are some pictures to further elaborate my point. Play close attention sa time stamps.
SA COL

second mula accepted to posted sa BUY at more than 10 seconds sa sell.
SA MYTRADE

Less than 1 second mula order submitted to order in the market sa sell

Less than 1 sec mula sa order submitted to order in the market sa buy
We did a lot of testings pa. One issue we had is order modification. Yung pagpost mo ng order eh ano pwede mo gawin if ngbago isip mo.

Sa COL at ibang brokers ang pwede mo lang ma modify is yung number of shares but not yung price. Need mo e cancel order mo if want mo baguhin yung price. Sa mytrade pwede mo baguhin yung number of shares at yung price.
MYTRADE HISTORY
Mytrade tried technistocks. Dami hiccups. Yung Dubai FN na gamit ng AAA nagtry din nagpresent sa Mytrade but was turned down for a lot of reasons isa na is speed. Well, if isipin mo talaga yung issue sa speed is connected sa number of clients… the bigger clients you have the slower you move… is it really though?
MISCONCEPTION DERIVED FROM IGNORANCE
“Mabagal yung COL kasi sobra dami nila clients”
“If dumami clients ng broker nyo babagal din yan”
Let’s remove this ignorance once and for all.
PH MARKET
Total 2019 PSE turnover was 3,545,157,861,059.33 pesos. You can divide that by about 255 trading days.
13,902,579,847.29 VTO on a average or 6.7Bn average volume.
May 6.7B average volume ang PSE daily.
“Huh?Ano connect?Di ko gets”
Average Volume per day ng PSE ang basis ng mga third party vendor at hindi kung ilan clients ng brokerage firm. Ke 5 clients mo or 5 Million does not matter kase ang capacity na tinitingnan nila is average volume per day ng exchange. Yung gamit ni Mytrade is designed for 50 Billion average daily volume. Meaning their system can easily process the much much greater volume of transactions than what PSE has on a daily basis.
I can elaborate it further in details pati sa logic if e compare ko Dubai FN ng AAA, technistocks at mytrade. Like iisa isahin ko. I can do it but I won’t. Meron kase tayo TL Family member na ngtatrabaho sa Dubai FN at meron din sa technistocks kaya may idea tayo what is what.
BAKIT MABAGAL ANG COL?
“Maam bakit mabagal ang col if wala kinalaman sa laki ng clients?”
Sasagutin ko yan sa next blog at magugulat kayo sa reason.
MATURITY NG 3RD PARTY VENDOR
Di pa ganun ka mature ang technology ng third party data/service provider sa Pilipinas. Most brokers na maliliit is flextrade which is kung iisipin mo bare minimum lang or pang comply lang talaga sa pagkakaroon ng online brokerage. Isa din sa reason na di mature ang mga third party provider sa Pilipinas is the fact na di naman nagrerely ang most ng firms sa online sales. May mga insti at government clients kasi sila na nagbibigay ng 60-80 percent ng income nila. Meaning nandun pa rin talaga galing yung majority ng kita nila.
TL FAMILY EDGE
If TL family ka magkakaroon ka ng edge against sa ibang traders sa labas kase ako mahilig ako magbigay info na di alam ng ibang retail traders. Just by reading this blog alone sobrang layo na ng alam mo sa mga ibang traders outside our family at marami pa ako e share soon. Di lang yan. Ngayon di lang sa information yung edge mo but mismo sa broker at execution.
Happy 62K my dear TL Family!!
Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials.
Interested to know about how you can profit in the stock market but have no time to study how to trade? Long-term investing through MARGe is for you. To know more, visit this link marge.com.ph
If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group Traders Den PH.
Inside Traders Den PH are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALL, PAPA, CALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel
We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent. This is our way of giving back to the community.
Come join us. Let us push free learning!


You May Also Like

Tricks And Tactics: S.E.L.L.I.N.G.
April 23, 2020
Protected: TRICK AND TACTICS: SMART MONEY
January 15, 2021
12 Comments
DANILO LAYOSA DE JESUS
Napa WOW na naman ako sa nalaman kong ito. Tama po kayo Ms. G, meron na kaming edge sa ibang traders at malayo-layo na rin ang alam namin sa ibang compare sa iba. Maraming thank you po sa inyo.
Falcon
thank you po mam GK. ,may natutunan nanaman po ako..isa po ako trycycle driver dito sa Pampanga..
Andres Benwick
Una sa lahat sobrang laki pasalamat ko sa advocacy mo, libreng pagtulong sa iba sa field ng trading, lalo na sa mga baguhan at sa mga nasa stocks nga, pero basta pumasok na lang na wala namang sapat na kaalaman. Isa ako dito. Nagsimulang janitor at umangat naman sa management level through the years (4 decades) sa service industry. Kaya may edad na rin ako. Naengganyo lang ako long ago na pumasok daw sa stocks, so I did. Just opened an account sa col, put in some money, then that’s it. Naniwala naman at guided ako sa belief na mas kakainin ng bangko ang pera due to very low interest rate vs inflation. Sa work ako nakatutok, not on the stocks. Silip silip lang minsan. Pag green ang numbers, ok. Pag pula, bagsak. Pag may extra, dagdag ako sa col account. Pag may green at kinakapos ako sa pera, withdraw s account. No knowledge ako sa mga graphs at iba pang features ng trading, o kaya karamihan ng features ng col platform. Hindi ko pinag-aksayahan ng panahon para todong aralin dahil sa workload ako focused. Tried attending din some seminars ng col whenever schedule allowed. Not worthwhile kasi nga dahil mainly sa differences between the language of the trading world and the language I’m used to in the service industry. Of course I’m not that totally ignorant because we also are into corporate meetings but the point is we don’t talk about technicals, fundamentals, entry point, exit point, etc., all from the stocks trading or investment perspective. Tried to explore and invest in myself to learn when I came accross Caylum, pero no go. Una sa lahat namahalan ako, plus ung time element vs workload deadlines, and other excuses. 4 years na ako unemployed. May natitira pa sa savings, asa sa mga anak, at unti-unti nagbabawas sa col account, kahit pano may natitira pa. Ang malaking problema, pula lahat at sobrang bagsak. Then in one of my idle moments I happen to come accross Trader’s Lounge
Now, banking on your tolerance, eto mga issues na gusto ko i-bring up:
1. Newbie ako sa group, just joined recently. Feel ko odd man out ako in the group mostly for the younger generation.
Di rin masyado sa techie, kaya feeling napag-iiwanan din. Pero unabashed, gusto ko join pa rin. Sana ok din oldies dito.
2. Aim ko for now go through the learning process e madaming learning materials offered free here, which obviously will
take time to really digest. Habang nag-aaral, di ba napag-iiwanan din?
3. Habang naag-aaral, dapat ba open na rin ng account sa MyTrade?
4. Sa ngayon butterfly approach ako, no fixed time, sa reading innerworth ng Tabula Rasa, Zotaveni, Gandahko blog, at silip
silip sa mga bagong post ng TL family. Minsan hilong talilong pa nga ako where and what to look for. Sa blog may mga
interesting topics pero may password, di ko alam paano.
5. Ung sa Oct. 23, dapat ba may account sa MyTrade ang kasali?
6. Plan ko kasi learn learn learn muna and digest mga free lessons till end of year then try doing trades by January. Sana nga
by that time di masyado drop ng port ko sa Col bago ko ilipat sa MyTrade. Pero kahit sobrang loss, pwede na ako lumipat
kung klangan na open account sa Mytrade, as in any time. On the other hand, sa learning process, di ba ako napag-iiwanan
kung doon muna focus? Would appreciate suggestions here.
7. Will see how to organize and manage my time against my current daily chores and the challenge of sometimes very poor
internet signal in our residence, to reset my butterfly approach to learning and find a fixed schedule. Madami din
din kasi distractions for now but will overcome.
5. I do appreciate the many younger newbies joining the group. I encourage them to keep learning while still young.
There’s a wealth of knowledge offered free for the group. Worthwhile digesting mga pieces of advice sa articles ng
Innerworth – Mind over Markets.
6. Marami pong salamat.
Ronie
Thank you sa info na ibinabahagi mo sa amin Maam GK, kung tutuusin ung ganitong info pang malupitang mga traders na pero kaming mga bago lng nalalaman na namin mga sekreto sa kalakarang ng trading. Tanung k lng po, kung ganun kalaki ung volume allowance ng Mytrade na kaya nila ihandle per day, ibig po sabihin malaking pera din involve para mabigyan ang mytrade ng ganun kalaking volume, hindi naman po TOP 1 ung Mytrade pero nagagwa nila, bakit ung COL parang ayaw i-improve ung platform nila. Ibig po b nyan sabihin mas mayaman ang may ari ng Mytrade keysa kay COL?
Alfredo
Okinanan
Kaya pala kahit ang daming sablay na chart at historical data ni mytrade ay di nila ma-ayos kaagad dahil sa pera din ang gagalaw para ayusin ng 3rd party. Now we know!
CARDING DURAN SEE SUN
Thank you Mam GK sa additional knowledge and GOD bless.
Alfredo palomata
Thanks maam sa knowledge
Mark Joseph
Astig… Kaya pala Thanks mam
Justine Achas
Alright!!! <3
Eyy
Thank you for this enlightenment, Ms. Gk!
MyTrade lang Malakas!
#MLM
Allan.
Good day Ma’m GK,
First & foremost thanks a lot for acceptance kya ako nandito sa MyTrade/TL. Very informative pati na sa mga comments.
Daming natutunan sa kagaya kong beginner at dami pa akong dapat matutunan pa. Keep it up & more power sa team ninyo.God Bless.
Allan