
DITO Holders Must Know!

Sa stock trading community, either Pro-DITO ka or Anti-DITO.
I’m neither. I do not have a DITO stock and I have no problem buying a DITO stock kapag pasok sa strategy ko as a trader.
In short, sa blog na ito ay I will be very objective.

LET ME EDUCATE YOU ON SOME THINGS
Yung TDS alam na ito but I have a feeling na marami sa inyo di pa gets how stock market works.
Today I will inform you how it works para well-informed ka sa bawat decisions na gagawin mo from here on out.
Para di ka laging sumisigaw ng “Unfair ang SGP” or “Kawawa naman shareholders ng KEEPR.”
Being misinformed is different from being unfair.
Unahin natin sa MPO.
Ano ang MPO? Ang MPO ay minimum public ownership.
May certain percentage ng public float na kailangan sa PSE as a requirement.
Ano ang public float? Ang public float ay yung percentage na hawak ng publiko sa isang stock.
Isipin mo na lang na ganito. May successful grocery store si Mang Ruben. Gusto ni Mang Ruben dumami pa ang branches niya pero wala siyang pera para mag expand. May dalawang option siya. Una ay mangutang or magloan sa bank or sa mga private entities. Ang second option niya ay ibenta ang shares ng company niya through IPO sa stock market.
Ang pinili ni Mang Ruben ay magbenta ng shares sa stock market kasi mas ok ito at walang interest na malaki di gaya kung nagloan siya sa banks.
Nag IPO ngayon ang kumpanya ni Mang Ruben. May 100, 000 shares kunyare ang kumpanya ni Mang Ruben. As per PSE, dapat 20 percent nun or 20,000 shares ay nasa public. Minimum yun.
By public ang ibig sabihin nun ay mga retail traders.
Gets na?
Ok, para di imbento papakitaan ko kayo ng facts para naman sure kayo na di ko gawa gawa lang ito.

That was a memorandum from SEC way back 2017. Yung PLC na yan is Publicly Listed Companies at hindi PLC na stock.
Heto link niyan. ( https://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2020/02/MPO-Rules-and-Notice-for-public-comments-for-posting.pdf )
If gusto ninyo latest eh heto : Public float requirement raised for firms included in PSE indices – BusinessWorld Online (bworldonline.com)
Increasing the Minimum Public Float or yung Free Float is one way to encourage more retailer traders to trade sa stock market.
Now, so alam na ninyo na may minimum public ownership. If di ka sumunod dito or di ka nagcomply ay matic suspended ka. Yan ang nangyare sa KEEPR at SGP.
LET US NOW TALK ABOUT DITO
“On Aug. 17, Dito CME said a planned asset swap with Uy’s Udenna Corp. had been given “preclearance” by the SEC.
Under the share swap, Dito CME would gain 100 percent of Udenna Communications Media and Entertainment Holdings Corp., which owns control of Dito Telecommunity.
Thus, Dito CME would be gaining an indirect majority stake in Dito Telecommunity through several corporate layers.
The company previously announced that the share swap with Udenna Corp. would involve 11.2 billion shares of Dito CME priced at P6.11 each, valuing the entire transaction at P68.4 billion.” Ayun yan sa inquirer.
“DITO’s public float is about 67%, with Dennison Holdings (another Dennis Uy-owned private holding company) owning most of the rest (31%).
After the share-swap deal goes through, Udenna will own 80% of DITO’s stock, Dennison’s stake will reduce to 6.2%, and the public float will reduce to around 13.5%” Ayun naman sa Philippine Star.more
I bet nalilito kayo sa mga numbers so sisimplehan ko. Nagkaroon ng share swap. After ng share swap ay bumaba ang public float ni DITO.
Ano mangyayare kapag mababa public float ng isang kumpanya?
“Suspended maam”
Tama!
Ano sa tingin mo ang gagawin ni DITO?
“Syempre magbebenta sa public para tumaas ang public float maam para makacomply sa rules at di masuspend”
Tama!
Now, ang goal is magcomply sa requirements. Dalawa ang paraan. Una SRO.
“Ano ang SRO maam?”
Stocks rights offering. Ito yung magbebenta ka ng stocks sa mga may hawak lang ng stocks mo or shareholders mo.
Ang next option is FOO.
“Ano ang FOO maam?”
Ito yung magbenta ka ng stocks sa public ke me hawak sila ng stocks mo or wala. You can read more about FOO in this blog: FOO Mania
( https://business.inquirer.net/333576/dito-cme-eyes-stock-rights-offering-to-raise-p8b )
Ke SRO or FOO ang gawin nila ay nasa kanila na yun but they need to do it. Pwede rin both.
Now, isipin mo. Simplehan natin. 7 pesos ang price ni DITO ngayon. Kung ikaw ang DITO.
Yung goal mo is makabenta para umangat ang public float mo. Magbebenta ka ba sa 8 or 9 pesos?
Sino bibili nun kung yung price mo now eh 7?
“Luh….yan pala dahilan bakit ganun prices ng SGP at KEEPR?!”
Yupidupdup!Yung TDS matagal na alam yun.
Ok, balik kay DITO.
Magbebenta ka ba sa 7 pesos? No.
Para may bumili dapat magbenta ka at a discounted price. Mas mababa.
Ano sense magbenta ka na wala naman bibili. Edi di ka pa rin makacomply.
Sa FOO at SRO na pangcomply sa public float ay di kayo dapat nalolost sa mga purpose na sinasabe nila.
What do I mean? Ganto yan. Syempre ilalatag sayo ng kumpanya saan gagamitin ang pera mula sa pinagbentahan ng shares. Pang improve ganto. Pang improve ganyan. Need nila magsabi niyan to entice you. Yung main concern naman nila is magcomply. Bulaklak na lang yang mga yan.
If holder ka ng DITO na stock at least now informed ka na sa level na naiintindihan mo.
Unfair pa rin ba? Nope. Alangan naman magpasuspend ang DITO diba?
So, expect mo na may SRO or FOO na mangyayare. Wag mo na ikagulat na mababa ang price.
Educated ka na ngayon.
LACK OF EDUCATION
Ito yung nakikita ko na major problem sa mga traders. Isipin mo na lang. 20 percent MPO or public float ang need. Maraming stocks na below pa dito sa ngayon. Ano iniexpect mo?
Syempre sangkatutak na FOO at SRO ang mangyayare mula now to next year.
Galing tayo Pandemic. Nabawasan oras ng trading. Kumonti nag IPO. Ang fees mula doon ang main sourse ng PSE as income. Expect mo na dadami mag IPO, SRO at FOO soon.
Basic yan.

Truth is sobrang dami ko pang gusto eh share. Marami pang pang educate ang dapat mo malaman.
Yung pagiging trader kasi di lang yan sa buy and sell button natatapos.
Dapat well-informed ka rin.
Di naman mahirap yan. Oh kita mo nga alam mo na mga MPO ngayon.
Yung pagbabasa ng earnings, mga disclosures, paano nacocompute ang opening at closing prices, ano yung ticker, paano mauna sa pila kapag may bibilhin ka at ibebenta, paano makakuha ng mas maraming shares sa mga IPO, paano malaman kung padding ba yang bid na nakikita mo, ano ang dynamic low at high, bakit minsan nagfifreeze ang stock price, yan and a lot more ay matututunan mo kapag sumali ka sa TDS.
Isipin mo na lang may mga traders na matagal na alam ang bagay na ngayon mo lang nalaman.
Be informed. Be a better trader.
Ang laking edge nun against you.
Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!
If you don't know where to start, you can visit our Shopee store. Click the image to go to Shopee now.



You May Also Like

Protected: Tricks And Tactics: Col Users
September 12, 2021
Protected: TDS Model Port Update as of 12-29-2021
December 29, 2021
8 Comments
Rhoy
Salamat ng marami Mam GK! 🙂 Panibagong kaalaman na naman.
William Pasamonte
Maraming salamat Mam GK sa mga ganitong infos..malaking tulong po ito. God bless.. Huwag kayo sanang magsawang mag share ng knowledge about sa stock market.
Nino
Thank you Ma’am G for sharing!!!
Kristia Serioso
I salute you Ma’am, ng dahil po sa inyo updated kami lagi….Salamat po
melchor dela cruz
thanks mam additional learning na naman. di nauubusan 🙂
Michael
Ang galing nito, thumbsup ako dito.
Mil Alhambra
thank you mam! goodmorning!
Bona Canog
Thank you po sa education Ma’am GK. God bless you more po.