
FOMO Practical TIP
FOMO: Fear of missing out. I will not describe what it is. I know you know this but sa mga hindi pa just go sa google and type fomo may mahahabang paliwanag doon about sa topic na to.
Normally I tell newbies na avoid looking at TOP GAINERS para di ma fomo but kahit anong warn ko or sabi they still end up buying yung mga lumilipad at kadalasan ay naiipit. So instead na e oppose ko kayo or pagalitan I’d rather just accept the fact na mahirap e control yung greed nyo and it really does take time bago nyo macontrol yan. So instead of saying all those cliche’ na control ur emotions or wag ma fomo I’d rather work out an idea na makahelp sa inyo. OK game.
So lets say nakabili ka ng lumipad na stock or plan mo bumili ng lumipad na stock. Either bago mo bilhin yun or after mo bili nun look agad sa history. Kasi most ng mga basura stock na lumipad today ay lumipad na rin dati at nauulit lang mga nangyayare. So tingin ka sa history nya.
Let’s take LSC for example. If plan mo bumili ng LSC at tumingin ka sa history nya. Makikita mo na everytime lumilipad sya ay ngkakaroon ng selldown na nangyayare kaya kinakalabasan ay mahahabang wick. If naman nakabili ka na at tumingin ka sa history at makita mo na pag nataas ang LSC eh usually may selloff na nangyayare ay makaka exit ka agad or properly.
Same goes sa iba pa na mga basura stock. Same goes din sa mga di basura na stock always view what had happened before. This is very simple yet effective. Imagine the amount of money you saved if you have seen history ng basura na nitrade mo na naipit ka. As a trader i like to give you ideas at stuff na magagamit nyo talaga. Sa pse ang setting at maipapakita ko sa chart. Look at the chart. Study it. Learn from it. Next time na mangyare ulit or mafomo ulit hope different na result ng trades nyo. Salamat sa support ninyo sa TL. May you learn and earn more.


You May Also Like

Support and Resistance
June 12, 2020
When 1+1= Any number you like.
June 12, 2020