
FOO
NASA BAHAY SINA DON PEPOT AT KIKO
Don Pepot: Kiko ipagtimpla mo nga ako ng kape, black.
Don Pepot: Tawagan mo ang piloto at e handa ang eroplano. Magshoshopping ako sa Japan pagkatapos ko magkape.
Kiko: Masusunod po senyor!
Habang umiinom si Don Pepot sa gold plated na tasa ay nakatingin si Kiko at parang may gustong sabihin at iyon ay napansin ni Don Pepot.
Don Pepot: May bumabagabag ba sa isipan mo Kiko? Mukhang may gusto kang itanong?
Kiko: Ahhh ehhh… meron sana senyor.
Don Pepot: Ano iyon?
Kiko: Kase senyor nagbabasa ako sa mga website patungkol sa stocks..
Don Pepot: Hahaha. Niloloko mo ako eh. Nagbabasa ka sa website patungkol sa stocks? Yung totoo?
Kiko: Hehe nakichismis lang sa facebook!
Don Pepot: Sabi ko na eh. Ok, ano yung tanong mo.
Kiko: Ano po yung Pow?
Don Pepot: Yung alin?
Kiko: Yung pow po. Yung “pow oh”
Don Pepot: Anong pow oh?
Kiko: Yung spelling eh “ep oh oh”
Don Pepot: Ahh FOO or follow-on offering. Sige papaliwanag ko. Alam mo ba ang IPO?
Kiko: Akupah! Wais to senyor. Wais. Ang IPO ay unang pagkakataon ng isang kumpanya magpalistano pumasok sa stock market. In english, its the enrollment procedure to start the classes po senyor.
Don Pepot: Ha?
Kiko: c’mon senyor is english you dont know? Enrollment procedure oh meaning gusto pumasok ng estudyante sa
Kiko: Opening of class meaning unang araw sa pagpasok ng kumpanya sa stock market.
Don Pepot: Tagalugin mo na lang.
Kiko: IPO ay unang pagpasok ng kumpanya sa stock market. Pumapasok sila sa stock market para mgkaroon ng pera para e finance ang negosyo nila o plaguin pa lalo. Kailangan nila pera so instead mangutang ay sa stock market nila e bebenta shares ng kumpanya nila para makalikom ng pera. Whew! Easy!
Don Pepot: Tama ka. Ganun din ang FOO. Ang kinaibahan lang ay yung IPO ay sa mga di pa listed sa stock market kaya yung I is for “initial” sa IPO. Yung FOO naman ay pag ooffer din ng shares sa publiko ng isang kumpanya na nasa loob na ng stock market. Ginagawa nila ito para lumikom ng pera dahil may, pag gagamitan sila ng pera either pagpalago ng negosyo or bayad utang or kung ano pa. Sa madaling salita eh nagbebenta ulit sila ng shares ng kumpanya nila.
Kiko: Ganun lang pala yon??? Pinahirapan pa nila ako amy mga diluted diluted pa at dilution dilution.
Don Pepot: Relax… di pa ako tapos. So ang FOO ay paraan para makalikom ng pera ang isang listed na kumpanya sa stock market. Gaya ng PHR na gusto lumikom ng 750M through FOO. Ginagawa ng mga kumpanya ang FOO para lumikom ng pera lalong-lalo na kapag di na sila makautang sa iba. Yung FOO ng PHR halimbawa ay para sa plano nilang casino resort sa Cebu na may pangalan na Emerald Bay. Yung 70% ng gagastusin nila sa proyekto na iyon ay manggagaling sa bank loan meaning utang sa banko. Yung natitirang 30% ng gastos ay dapat manggaling sa PHR mismo kaya sila ngpa FOO.
Kiko: Eh panu ang kagaya ko na stock market investor?Wet ebawt meh?
Don Pepot: Nag open ka lang account sa mytrade worth 5,000 pesos investor ka na agad?
Kiko: opcorz senyor! I am en hanest sitisen inbesting in da market!
Don Pepot: Sige, good at bad. Una tayo sa good. Good sa mga bibili pa lang kase ang FOO shares ay usually mura yan kesa current price. Example yung PHR eh nasa 1.68 pesos pero ang market price niya above 2.5 pesos na. Bad sa mga investor na meron na hawak na PHR or yung mga dati nang investor kase yung marketmprice or yung current market price ng PHR ay baba paglabas ng FOO kase nga mababa yung ilalabas nila na price. Yung PHR na nasa port ng mga investor ngayon ay baba ang value.
Kiko: Get ko senyor. Eh ano naman po ang sinasabe nilang dillution?
kring kring….
Don Pepot: Hello. Ok ready na ang eroplano. Sige pupunta na kami.
Don Pepot: Ihanda mo ang Lambo at pupunta tayo sa eroplano. Sa flight ko na sasagutin ang tanong mo…
Abangan….
Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials.
Interested to know about how you can profit in the stock market but have no time to study how to trade? Long-term investing through MARGe is for you. To know more, visit this link marge.com.ph
If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group Traders Den PH.
Inside Traders Den PH are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALL, PAPA, CALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel
We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent. This is our way of giving back to the community.
Come join us. Let us push free learning!


You May Also Like

Protected: Pro-Trader Tip 13: Unahan Ang Ibang Traders!
May 16, 2021
Protected: TDS Model Port Update as of January 06, 2022
January 6, 2022
3 Comments
Janette
Nabitin ako! Hehe
Abangan ko ang next!
Normel A. Raga
Ma’am GK naman eh. Binitin mo ko eh. Hehehe
Justine
Alright bagong kaalaman nanaman! Thanks Ms. GK!