
Guni-Guni (Part I)
THE QUESTION
I asked this question sa Trader’s Lounge.

Let me answer that question here. This will be a very long blog but if you stay until the end I guarantee you na you will be a little smarter than you were bago mo basahin ang blog na to. Idaan ko sa conversation between a teacher and a student para di kayo ma bore sa pagbabasa.
Take a selfie with a happy face as you read this blog. Yung masaya kayo. Pwede rin pa cute. Comment ninyo sa forum under sa Fun Games and Contest thread with a topic Title: Guni-Guni Happy Selfie. The best selfie will win a cash prize.


TEACHER GANDA AND A NOOB CONVO
Ganda: Bakit bumibili ng stock ang isang trader/investor?
Noob: Syempre mam para kumita.
Ganda: Yun lang ba?
Noob: Bumibili sila dahil sa tingin nila muraat e benta nila ito ng mahal. (may konting yabang) Kaya nga stock MARKET mam eh. Alam mo yun? MARKET. Palengke.
Ganda:

Ganda: Bakit naman nagbebenta ng stock ang isang trader/investor?
Noob: Ha! Easy maam. Kasi sa tingin niya mahala na ang stock sa ganun na price kaya siya magbebenta.
Ganda: Bakit naman bumibili ng isang stock ang investor/trader while nagbebenta naman ng stock ang isang investor/trader sa parehas na stock at parehas na presyo?

Noob: Ahh ehhh…
Noob: Siguro ano…siguro yung isa tinadhana mam.
Ganda: huh?
Noob: Yung isa pinagtagpo lang pero di tinadhana.
Ganda:

WHY DO STOCK PRICES MOVE?

Stock prices move dahil sa perception ng traders…
Ok, wait. I think nasa gitna na ako. Let me start sa simula para ma gets ninyo.

INITIAL PUBLIC OFFERING
Unang pagpasok ng isang negosyo sa stock market. Kung ang isang negosyo ay nangailangan ng pera sa kung ano man na dahilan. Normally sasabihin ko na dahilan is either para pang expand nila or para sa growth nila. Noon yun. Ngayon may mga negosyo na na pinayagan ng PSE mag IPO kahit ang dahilan nila sa pag IPO ay para bayaran ang utang nila. Just like CHP kung saan ang reason ng pag IPO niya is to mainly pay its debt.

Kapag nangailangan ng pera ang isang negosyo pupwede itong pumasok sa stock market. E offer niya sa publiko ang kanyang kumpanya through stock shares. The truth is after IPO ng isang business or company wala na siya ibang need transaction pa sa stock market. Nangailangan siya pera, nagbenta siya ng shares… Nakuha niya ang pera..tapos.

Doon na nagtatapos yun. Wala na siya pake kung tumaas man o bumaba ang stock price niya. Yan ang truth pero nagkakaroon siya ng pake sa dalawang dahilan.
Una halos lahat ng executive or board even owner ng isang company ay may stock share din. Ayaw din nila sobrang bagsak ang share price kasi bababa halaga ng shares na hawak nila.
Pangalawa, kapag kailangan niya ulit ng pera ay pwede ulit siya mag offer ng shares niya sa public called secondary offering. Ayaw niya rin na kapag nag offer siya sa public ay sobrang baba ng stock price.
Two reasons bakit nagkakaroon ng pake ang isang business sa stock price niya although sa Pilipinas wala pa sa kalahati ng mga companies ang may pake sa stock price nila.
Balik tayo muna sa wala na dapat pake ang company after IPO. Kuha tayo real example.
ALLHOME IPO
Nag IPO ang ALL HOME sa price na 11.5 pesos.

Ngayon ang AllHome ay nagkakahalaga 5.88 pesos.

Why? Sagutin ko mamaya yan. Let us take another example.
JFC IPO was at 9 pesos wy back July 13, 1993.

Ngayon JFC stock price is:

WHAT MADE THE STOCK PRICE MOVE?
Nag IPO si AllHome sa 11.5 pesos bakit ngayon nasa 5.88 pesos na lang samantalang si JFC eh nag IPO sa 9 pesos ngayon nasa 140 pesos na?

Dahil yan sa perception ng tao. Ang tao ang nagbibigay ng value sa isang stock.
STOCK TRADING/INVESTING IS A GAME OF MONEY
Kung sino ang may maraming pera yung gusto niya nasusunod sa stock market. Kunyare sampu kayo. Ang total na pera ninyo ay 1 Billion pesos. Ako mag isa lang pero ang total na pera k ay 100 Billion pesos. Kahit anong gawin ninyo na pagbili paakyat sa price ng isang stock kung nanaisin ko na bumaba ito ay wala kayong magagawa.

Kunyare ako naman ang may total na 1 Billion pesos at kayo naman ang may total na 100 Billion pesos. Kahit anong gawin ko di ko mapapagalaw ang isang stock sa direction na gusto ko kung makikialam kayo kase mas marami pera nyo.
Wala sa majority. Nasa kung sino may malaking pera. Pwedeng karamihan ng retailers. Pwedeng isang local broker. Pwedeng foreign.
To understand more on who moves the market kindly read this blog.- Who Moves the Market?
Ngayon clear na kung sino nagpapagalaw ng stock price. (yung may maraming pera ke majority man yan or iisang tao/firm)
WHY DO PEOPLE BUY STOCKS?
People buy stocks to profit or to gain a profit. Walang bumibili ng stocks para ipalugi.
HOW WILL THEY PROFIT?
Sa PSE which is wala pang established na short selling sa retailers you can profit from stocks by buying it low and selling it high.
“Eh maam sabi ng guru ko buy high sell higher daw.”

If you buy high sell higher pina cute mo lang ang buy low sell high kasi ang high sa buy high sell higher ay low ng higher at ang higher sa buy high sell higher ay siyang high.

What’s next? Buy lower sell low.

SERYOSO, HOW WILL THEY PROFIT?
Traders/investors profit from buying low and selling high sa PSE.
PAANO MO MALAMAN NA LOW OR HIGH YUN?
Good question. Iba iba ang low at high ng bawat isa. Sayo maaring low ang piso sa akin maaring high yan. Sayo maaring mahal ang 500 pesos na share price while sa akin maaring mura yan.
EH KUNG GANUN DI MO ALAM ALIN ANG HIGH AT LOW?
Ikaw at ako? Hindi. Balikan mo kung sino nga nagpapagalaw ng stock price or ng stock market? Yung may maraming pera. Sila ang nagsasabi saan ang high at saan ang low.
Tayo nakikinuod lang.
PWEDE EXAMPLE PARA CLEAR?
Let us say si AllHome nag IPO 11.5 pesos. Bumili ka maraming stock. Marami ka kunyareng pera. Kunyare may ilang million shares ka na nabili. After a month naisip mo parang mahal na to sa ganitong presyo si Allhome ah. Benta ko na to para di ako malugi ng sobra kasi mahal na to dito. So benta ka.
Dahil sa marami kang shares ikaw ang mgdedecide saan mo dadalhin ang price. So benta ka ng benta bawat araw or linggo. Umabot sa 4 pesos kunyare. Sa 4 pesos nasa 100,000 shares na lang natitira sayo. Ngayon pumasok yung isang investor/trader din na may mas maraming pera sayo. Since 100,000 shares na lang hawak mo which is 400,000 pesos sa pera, hindi na ikaw ang magcocontrol ng presyo ni All Home.
Pumasok ang isang investor at may marami siyang pera kaya binili niya ng binili si All Home kasi sa tingin niya mura na ito sa ganun na presyo. Umakyat ngayon si All Home sa 5.88.
ANG TANONG.
Ang tanong. Mula sa IPO price ni AllHome na 11.5 pesos may nagbago ba kay AllHome as a company/business? Wala!
Noob: Eh maam humina kita ni All Home
Ganda: So what kung humina kita ni All Home o lumakas? Nasa hina ba o lakas ng kita ni All Home ang pagtaas baba ng price niya?
Noob: Yes maam kasi kapag mataas ang earnings eh tumataas ang price. Kapag mababa ang earnings eh bumababa ang price.
Ganda: Sino may sabi niyan?
Noob: Guru ko po.
Ganda: Ano nga ulit reason bakit gumagalaw ang price ng isang stock?
Noob: Dahil sa pamimili at pagbebenta po ng may maraming pera ke isang tao o majority.
Ganda: Paano kung tumaas 1 Million percent ang kita ni All Home pero para sa taong may malalaking hawak na shares ni All Home ay mahal na ito at dapat na e benta? Ano mangyayare ky All Home?
Noob: Babagsak po.
Ganda: Oh kala ko ba kapag mataas ang earnings eh tataas ang stock price?
Noob: ahh ehh…
Ganda: Nasa decision ng may malalaking shares or pera ang mangyayare sa isang stock. Either isang brokerage yun or majority ng retailers or ng brokerages.
Kung ano man ang dahilan nila sa pagbili or pag benta sila lang nakakaalam noon. Kung yung pagtaas ng earnings ang dahilan ng pamimili nila then so be it but ang pagpapataas ng stock price or pagpapababa ay nakasalalay sa pagbili at pagbenta ng may maraming shares or pera.
The reason why they do it hindi natin ma gauge or alam and its stupid to try and guess it. Yan ang reason kung bakit hindi lahat ng tumataas na earnings ay umaakyat.
Noob: Maam sabi pa nga nila eh intrinsic value daw basehan.
Ganda: so ganun? Ganun lang kadali yun? Hanapin mo lang or e figure out intrinsic value yun na secreto? So lahat tayo yayaman na?
Noob: Kung ganyan ang pagtatanong mo maam syempre hindi ang sagot.
Ganda: Exactly.
Noob: Ahh sa fundamentals daw maam.
Ganda: Good fundamentals? Sound fundamentals?
Noob: YES MAAM!
Ganda: So hanap ka lang mga may good fundamentals Hanap ka lang mag undervalued na stock at maglagay pera mo yun na secreto?
Noob: Uhmmm.. siguro…
Noob: Parang hindi maam eh.
Ganda: Hindi talaga. Kaya nga mahirap kumita sa stock trading/investing kasi walang isang basehan ang pagtaas ng stock. Nasa decision ng may malalaking pera.
Kung earnings basehan ng isang may malaking pera eh di earnings magiging dahiln ng pagtaas ng stock price ng isang stock.
Kung intrinsic value naman ang dahilan ng isa sa pamimili ng isang stock ay yun din magiging dahilan ng pagtaas nito.
Kung trip trip lang ng isang mayaman na tao na bilhin ang isang stock ay yun din ang magiging dahilan ng pag angat ng isang stock.
Kaya walang isang basehan ang pagtaas ng presyo ng isang stock dahil sa iba iba ang basehan ng may mga malalaking pera. Hindi din natin alam ang mga basehan at decisions nila.
Noob: Maam may pambara ako sayo.
Ganda: Ok, ano yun?
Noob: Warren Buffett
Ganda: What’s with Warren Buffett?
Noob: Intrinsic value/fundamentals daw basehan.
Ganda:

TO BE CONTINUED…
If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group called Trader’s Lounge.
Our advocacy is sharing ideas, experiences and, knowledge to traders for FREE. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials.
There are available weekly lessons inside. We created different trading strategies like MAMA which made a lot of traders profitable. Other trading strategies include FISHBALL, PAPA, CALMA and more. We want to offer OFW’s, Employees and all Filipino people a chance to learn without paying a cent.
Youtube Channel is also available where you can watch and listen to my discussions on strategies and trading related topics.
Come join us. Let us push free learning.


You May Also Like

Misdirection
June 17, 2020
BAKIT KA TAKOT MAGING TRADER?
April 6, 2021
30 Comments
Dee
Ang Taray! Pumapart 2 na sya! YEHEY!!! ABANGAN ang kapana-panabik na kabanata… DITO LANG SA “GANDAKOHTRADINGDOTCOM!” SUPPORT! <3
Winston capote
Paran na addic pa ako sa blog mo kisasa trade ah very nice thank you po.
Neanja
Hahahaha… ang galing!! Salamat ho..
Sanielyn Garingan
Ganda!! Bitin lang hahaha
Jennifer
Thanks po ma’am gandakoh
Falcon
thank you po..
Lagalag Habagat
Trade Strat rocks! Ayos!
Alfredo lorenzo
Salamat sa pagmulat nyan sakin madam kasi mali pala ako “ipinagyabang kopa sa GF ko na nakabili ako ng JFC bago mag MECQ (May15)kasi lalabas mga tao madami benta ni JFC tataas shares” hindi pala ganun
So ibig pong sabihin pwede pong mag base sa stock na nahahype like DITO? kasi buong pag aakala ng marami maging kakompitensya ni Globe at pldt ito soon.
Alex Robert Binarao
Truth. Trip lang ng maraming pera ang paggalaw ng stocks..
Patrick
Maganda lalong naliwanagan ako. Abangan ko part2
Derick Esquibel
awwts! bitin! ♂️
אייוריי
thank you
arvin
naku nabitin mam ang sarap pa naman basahin nakakadagdag ng impormasyon Salamat po ng marami
Chris Palma
Very nice insight! This is indeed an eye opener. Thanks
zyrandiel
natawa ako sa gif after nagbigay pambara si noob
learning while enjoying every second of reading ❤️❤️❤️ thank you Ms. GK. love you ❤️❤️❤️
Maan
Thanks!
Judy Justado
Yan na nga ba sabi ko basta may part1,2,…. Bitin! Hahahahaha. Dapat wait ko na lang marelease part 2 bago ko binasa. Tyak indi na naman ako patulugin neto, nyay!
But it was all worth the read. Kaya talaga dapat wag ma attached sa stocks. Thanks Gandahkoh! Nakaabang na po sa part 2.
Japheth Tulod
Nice and interesting topic. Love it. Thank you.
Rochelle
Ibig sabihin, wag maniwala ng basta-basta sa mga guru na tataas kunu si ganito o ganyan.
JamesCookie
Kagaleng talaga magturo eh
Sarap lang sa pakiramdam na kapag may tanong nasasagot mo ng tama. Yung di sayang mga naituturo sa iyo.
Ellen
Nice Maam Ganda Koh.
So in short learn the concept of trading apply what you learn, fucos on your trading, follow the strategy and earn money. Huwag ng makialam sa internal affair ng mga business na akala mo ikaw yun may ari. kasi di ka naman pamamanahan ng mga company sa pse kikita ka pag tama at entry at exit mo yun.
Ronald Cruz
Hehehe…ganda ng topic! Pero mas maganda yung mga pictures! Panalo.
Mher
tnx a lot sa info,more power TL fam
Zyron
Cannot wait sa kasunud na kabanata hehehe.. very nice way to learn. Kahanga hanga talaga!!
Rain
In the words of Gary V, “Bitin an Bitin ako wooh ohhh ohh..
Heheh
Shukran Ms. G
Ichiro
Sayang Bitin. 🙁
Jay_Seafarer
Very informative as usual Sandara. Waiting sa next part. Nag pa suspense pa. Thanks maam.
Romaine Aquino
Haha.. Bitin ma’am pero may natutunan parin.. Abang mode sa susunod na kabanata… XD
Elmer
Bitin na Bitin hehehehe
waiting sa next episode…salamat po sa intro
Mike
Thanks ma’am