Blog

Guni-Guni Part II

Noob: Maam may pambara ako sayo.

Ganda: Ok, ano yun?

Noob: Warren Buffett

Ganda: What’s with Warren Buffett?

Noob: Intrinsic value/fundamentals daw basehan.

Ganda:

shocked face gif

Ganda: How well do you know Warren Buffett?

Noob: Sa mga quotes niya mam.

Ganda: Aside dun. Alam mo ba paano siya yumaman? Alam mo ang connection ng insurance float?

Noob: Hindi.

Ganda: Read mo to. Lumang blog ko AVERAGE DOWN

Ganda: May point ka on mentioning Waren Buffett but hindi ka privy sa decision makings nun so you are an outsider looking in. If you want to follow Warren Buffett hindi ka dapat nagtitrade sa PSE kasi Warren Buffett himself don’t like emerging markets. Dun pa lang ironic na to even mention him. I love Warren Buffer. He is my version of a hero. I will tell you the difference between him and us later.

Ganda: Perception ng buyers or sellers ang nagpapagalaw ng stock. To be specific, perception/decision ng market movers ang nagpapagalaw ng presyo ng isang stock. Iba iba ang perception ng bawat isa. Kay CLSA maaring mura si jfc sa halagang 140. Kay Doyts maaring mahal siya sa halaga na yan.

Ganda: 9 pesos nag IPO si JFC way back 1993. Mula 9 pesos investors/traders in general thought na mura yun so umangat ang price niya kasi they keep buying hanggang umabot na ngayon sa 140. Yung reason such as growth, fundamentally sound, earnings, etc are just reasons. A way for us to understand their decision also a way for them to define their decision.

Noob: Maam paano ang tangible book value? Yun daw eh.

Ganda: The tangible book value per share (TBVPS) shows the amount per share that shareholders would expect if the firm was liquidated today.  Pick any stock.

Noob: bakit maam?

Ganda: Sige lang just pick. Any stock na nasa mind mo.

Noob: VLL maam.

Ganda: 3.77 stock price ni VLL ngayon. Let us see kung same yan sa Tangible book value per share niya. Lets take two different sources para may comparison.

Ganda: 3.77 pesos ang current price ni VLL. Ang tangible book value niya nasa 7 pesos halos.What does it tell you?

Noob: Na maganda bilhin si VLL dahil kapag nalugi at nagliquidate doble kita ko?

Ganda: Nope. Tandaan mo common shares ang hawak mo. Kapag nagsara ang VLL at ni liquidate ang assets nito. Uunahin muna lahat bayaran bago ikaw Unahin muna bangko, mga pinagkautangan, prefferred shares at last ikaw.

Ganda: Ang magandang tanong dito ay bakit 7 pesos ang Tangible Book Value ni VLL pero current price niya ay 3.77 pesos? Bakit may disconnect if Tangible book value ang dapat pagbasehan? Ang sagot diyan is sa current market condition natin ngayon 3.77 ang value na binigay ng market mover ky VLL. Yan yung perceived value ni VLL based sa decision ng mga buyers at sellers. If meron isang buyer na may maraming pera ang bumili ky VLL dahil nasa isip niya ay mura si VLL ngayon of course gagalaw or aangat price ni VLL.

Noob: So wala connection ang mga fundamentals maam?

Ganda: Meron if yan ang dahilan or gamit ng market mover.

Noob: Malalaman ba natin ano reason or gamit nila?

Ganda: Yun ang problema. Hindi natin alam. Kaya nga sa chart tayo nagbabase eh. Kung alam natin eh di dun tayo magbase. Sample: Alam mo na earnings n JFC ang pinagbabasehan ng market movers sa pagbili or pagbenta ng JFC. Kung umangat earnings bibili sila. If bumagsak bebenta. Kung alam mo yun malamang kikita ka palagi. Ang problema di mo naman alam reason nila sa pagbili kaya as retailer sa chart ka lang kumukuha information meaning makikita mo muna sa chart na panay akyat or panay baba ng price ni JFC bago ka gumawa ng desisyon. Most of the time kasi combination ng different decisions ng market movers ang pag taas or baba ng isang stock kaya napakahirap e predict.

Ganda: Anong paborito mo na flavor ng ice cream?

Noob: Vanilla.

Ganda: Anong paborito ng kapatid mo na flavor ng ice cream?

Noob: Yung bunso ube, yung sumunod sa bunso vanilla at yung panganay chocolate.

Ganda: Ano lagi binibili ng nanay mo na flavor ng ice cream?

Noob: Vanilla kasi dalawa kami magkapatid may gusto nun.

Ganda: Ngayon isipin mo meron kang tatlong million na kapatid. Mahuhulaan mo ba or matatandaan mo ba ano gusto nila na flavor ng ice cream?

Noob: Hindi.

Ganda: Bakit hindi?

Noob: Eh napakarami nun. Iba iba ang gusto.

Ganda: Paano kapag yung nanay mo bumili ng ube ano ibig sabihin nun?

Noob: Meaning mas nakararami ang kapatid ko out of 3 Million yung may gusto sa ube.

Ganda: Exactly. Di mo alam ang decision or di mo matandaan decision ng bawat isa pero nakikita mo ang decision nila based sa nangyare which is pagbili ng nanay mo ng ube na ice cream.

Noob: Wow!

Ganda: Ngayon, paano bibili ang nanay mo ng vanilla flavor?

Noob: Kung mas maraming kapatid ko ang gusto vanilla flavor.

Ganda: Exactly. Sa market instead ganun din but instead number ng tao ay nasa laki ng pera ang nagsasabi kung ano ang direksyon na pupuntahan ng market. Ang pagtaas baba ng presyo ay naayon sa desicion ng may mga maraming pera. Kahit anong ganda ng isang stock kung walang bibili ay di aakyat same din na kahit anong panget ng stock ay di rin babagsak kung walang magbebenta or kung mas marami/malaki ang pera ng bumibili. Like what happened sa….. ABS.

Noob: Gets ko na maam.

Noob: Mam 90% daw ng traders ay natatalo kaya dapat daw maging investor.

Ganda:

 

To be continued…

18 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

X
%d bloggers like this: