Blog

IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!

Merong dalawang uri ng support

Yung sinusupport ka dahil may nakukuha sayo at meron din naman na sinusupport ka dahil naniniwala at nagmamahal sayo.
I never knew yung kinaibahan neto last year. Akala ko most supported me sa Free Learning Advocacy ko kasi they too believe on it.
 
I found this out the hard way nung marami problema kinaharap ang TD.
 
Maraming “supporters” noon ang naglaho na parang bula when they thought wala na sila makukuha sa akin at sa TD.
 
All of them started with “yes we believe sa advocacy mo and we want to help and support.”
 
That was an amazing experience though, kasi it taught me some valuable lessons.
 

FREE LEARNING ADVOCACY

I was pushing really hard for free learning yet sobrang dami ng obstacles. Meron mga tao na nakiride sa advocacy ko pero iba yung pakay.
I learned a lot sa iba’t ibang dealings na dinaanan ko.
Same padin advocacy ko. Same prinsipyo but iba lang yung paraan.
Instead manghingi ako donation para maitaguyod yung advocacy I did what I do best which is put in hardwork. I went out and write books. These books were special. I gave everything I had sa kanila. Ito yung mga books na di mo lang want but magiging need mo siya. Ipapamana mo ito sa kids mo.

4 BOOKS

Here’s a sneak peek of the BOSS and IDYOTT.

Here are the links for reservations and how to avail them.
BOSS BOOK (Fundamental Analysis Book)
I DARE YOU TO TRADE ( Technical Analysis Book)
Maduming Merkado (Trading Psychology Book) at Paano Yumaman Sa Stock Market (introduction book sa stock market)
For any questions, follow-ups or inquiries kindly message this page:

I would like to take this opportunity na rin na humingi ng sorry sa lahat ng sumusupport sa akin at sa TD ng tunay. Yung mga since day one naniwala. It took me a while to realize na I should pay zero attention to those who don’t support me and focus only to those who do.

Pasensiya na kayo. I will only focus on you from now on.
If napapansin mo wala na kayo naririnig sakin halos na nega. Im just going to grind and focus sa inyo.
Now lets go back sa free learning.
Dami nakiride sa advocacy ko na yun but dahio di naman nila talaga pakay yun kaya di rin tumatagal. Ako, I can stay up to 18 hours doing blogs and lessons dito sa TD dahil passion ko yun. I enjoy doing it. Isipin nyo na lang yung books. Apat yun. Yung iba 1 book per year ako apat in few months. That means I work harder. I really want kasi something na would help you sa trading journey ninyo.
Me mga nagcocomment minsan na namiss nila yung TL. Yung truth is hindi TL ang namiss nila but yung free na nakukuha nila from TL noon.
Magandang sukatan din yung book kasi dito ko nakikita sino yung want ako at yung TD dahil sa mga nakukuha at kung sino yung ke up man or down eh nandyan nakasupport.
 
So heto na.
 

Salamat sa support ninyo.

Sa lahat ng makakakuha ng complete sets ng book as my show of gratitude at para na rin sa free learning advocacy. Lahat kayo na bumili ng 4 books will receive TABULA RASA.
 
Ano yung Tabula Rasa?
 
Ito ay investing/trading course na ginawa ko.
 
Yung unang tabula rasa app, most ng laman nun galing sa free ng zerodha. This time ako na talaga me gawa.
I asked help sa mga real-life teachers at course-makers. I hired them to help me develop a course.
 
I can say na isa ito sa pinakamalupit na course about trading/investing na mahagawakan ninyo.
 
Walang gagraduate sa course na ito unless kumita na talaga in real life sa trades.
Ang Tabula Rasa ay papaprint ko into a book at isasabay ko send sa mga orders ninyo once you completed 4 books. I paid sa copyright neto. I paid sa printing. Dito ko bubuhos mga kita ng books.
 
Magandang course ito kasi may mga exams sa book. Meron bibigyan ka ng income at outstanding shares then papahanap sayo EPS.
 
Meron bibigyan ka ng chart then may multiple choices kung saan ang proper entry. Basta ang ganda.
 
Need mo yung 4 books para me maisagot ka sa mga tanong sa course.
 
Makakagraduate ka lang if you gained sa number ng trades specified. If nareach mo yun me instructions dun ano gagawin mo. Sesend mo sa email lahat result ng trades then if naverify we will provide you with a certificate na graduate ka na.
 
So yan. Tabula Rasa is for you as a sign of my gratitude sa support ninyo.
 
Marami pa kami plans para sa TD Family to push yung learnings. Iinvite kmi analysts at speakers. Yung youtube channel uupload kami more learning vids. Weekly may live charting. May weekly lessons dito. May blog ako.
 
Noon di namin magawa lahat kasi kapos sa funds but dahil you supported my books I’m now able to give you more.
Wala akong weekends. Wala akong holidays. I’m doing everything I can para makatulong sa journey ninyo sa stock market.
 
Salamat sa support. You took care of me. I will take good care of you all. Thank you.

Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials. 

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group  Traders Den PH

Inside Traders Den PH  are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALLPAPACALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel 

We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent.  This is our way of giving back to the community.

Want to support our ADVOCACY? Click HERE

13 Comments

  • Jerrol Leosala

    Thank you ma’am Lioness. I’m still learning to read your book the BOSS and waiting the second book IDYOTT. Next 2 books to buy by end of April. God bless always ma’am.

  • Erma Reyes

    I silently support this group and gandakoh. No shout outs, and I comment so rare. But I can feel the sincerity in every blog that you make. I read those only but I do not go into stock trading for now. It needs proper mental and emotional preparations, Im sure. But I keep myself updated so that when I am ready, I have gathered all the infos that I need. Thank you, all I can say.

  • Jonalyn Milla

    Thank you so much sa wlang sawang pag share mo sa amin ng learnings mo without asking in return. At sobrang laking tulong ng TL @ TD sa trading journey ko. Dating na biktima ng iba’t ibang scam, pero now natuto na. Knowledge is power tlaga. Nakakalungkot lang tlaga na isipin na mas madami parin silang nakakalat na mapagsamantala sa kamang mangan ng iba. Kaya nagpapasalamat ako at nakasama ako sa TL at TD Family. Totoo na dalawa nga ang mukha ng tao. Kaya salamat sa iyo at sa Advocacy mo. I hope and pray that your advocacy will live forever and i will forever grateful sa iyo. God bless you and all the admins na kasama mo to make it possible!! Keep safe always!

  • Maridel

    From the start, up to now, i silently support you 101% ate GANDA KOH! thank you so much sa mga lessons from you,

  • allen

    Thank you so much for all your efforts. May mga nabili na kong trading books and learned from lots of youtube videos on trading and of course including your lessons. Pero nung nilabas mo yung mga books na to naexcite pa rin ako and i bought them (the boss and Idyot) kasi gusto ko pa rin maitago ko yung mga lessons mo. Pero most of all, i bought these books to support you. I was in the fb group since 10k followers pa lang yata or basta last yr mid pandemic and a silent reader. I felt your sincerity na makatulong sa mga pinoy matuto ng trading/investing sa stock market and i knew your not perfect, your a human with feelings too pero ramdam ko talaga na gusto mo lang magbigay ng tulong ng walang kapalit na pera di tulad ng iba. Kaya nung sinabi mo na maglalabas ka ng book, sabi ko, ay bibili talaga ako nito kahit na may books na ko at may videos naman sa youtube pero kasi way ko na din to to thank you sa mga efforts na binubuhos mo. Now nadeliver na sakin ung the boss, nascan ko pa lang and alam kong sulit to. Sobrang enjoyable basahin! Di ka mabobore katulad ng ibang trading/investing books na ang heavy ng dating, eto para lang kausap mo yung reader o parang nagmememtor ka lang din sa nagbabasa in a light way pero very substantial naman talaga yung laman. Sana nga maging katulad to ng mga books na pag may nagtatanong ng reco about books to read sasabihin nila, ay yung the boss idyot get it! kasi talaga namang sulit at puno ng info. Now excited naman about the idyot book. Haay thank you again for all your efforts, sana magcontinue ka pa despite the rumblings na naexperience mo dito sa journey mo of helping your fellowmen. May God continue to bless you abundantly and protect you during these trying times.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

X
Looking to invest Long Term? Try MARGe
%d bloggers like this: