
Little Things

A small leak will sink a great ship.
Sa pera, little expenses ang nagbabaon sa tao sa kahirapan despite OFW sila or may work na okey ang sahod. Ito yung mga 50 pesos pambili ng tinapay. 100 pesos pambili ng 1.5L coke. Pambili ng pancit canton pang meryenda. Pang nood ng sine. Pambili ng milktea. Mga maliliit na expenses na hindi mo namamalayan. All of a sudden gulat ka na lang wala ka ng perang natitira.
Sa stock trading naman mga example ng little things are:
Nagfilter ka or nagscan ka ng stock. You are using MAMA set up at EOD ka dapat bumibili but sa night nagscan ka ng stocks na lalagay mo sa watchlist at napansin mo na kahapon ang ganda pala ni stock A pero di mo nakita kaya hindi ka nakabili. Ngayon sasabihin mo sa self mo “bili na lang ako sa opening today. Magbibid ako same price sa closing niya kahapon or sa EOD price niya kahapon kasi same lang naman yun”. It’s not the same. May reason bakit EOD ang entry kay MAMA. Di lang kasi yan about technicals at indicator but mas nabibigyan pansin ang disiplina at execution when you use MAMA as your strategy kaya may mga rules.
Titingin ka sa top gainer/top loser for a few seconds. Sabihin mo “once per day lang naman at seconds lang silip ko.” Di kaya sisilip ka sa mga hyped stock. Little things na malaki ang epekto sa subconscious at sa trading psyche mo.
Cut mo na dapat pero sabi mo “hold ko saglit lang baka umangat pa sayang kasi if cut ko lugi ako“.
“Inaantok ako ngayong gabi kaya bukas na ako magscreen ng stocks bago mag open ang market may time pa naman. 9:30 AM pa nagbubukas kahit mga 7 AM na ako magscreen.” Pagdating ng umaga dahil need mo magmadali ay marami ka mamimiss na stocks. Judgement at decisions mo with regards sa pag filter ay hindi maayos kasi nagmamadali ka at you only have two and a half hour bago mag open market.
Nagpupuyat bago magtrade or umiinom.
These are examples ng mga little things na akala natin wala lang but malaki ang effect sa outcome ng trades natin. If malimit or totally ma eliminate natin mga little things na sumisira sa disiplina natin our trades would drastically change.
Sa Trader’s Lounge we try to help Filipino Stock Traders for free and when we asked them about their improvements as they join our facebook group. This is what they have to say.

My sell signal was hit kanina so I exited. I bought another MAMA stock. I was surprised pag tingin ko na may naiwan pa pala akong shares na hindi nabenta sa previously held stock. It’s not so much but natawa ako sa sarili ko. Little things.

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group called Trader’s Lounge.
Our advocacy is sharing ideas, experiences and knowledge to traders for FREE. We offer free Technical Analysis, Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials for free.
We also have weekly lessons over there. We created different trading strategies like MAMA which made a lot of traders profitable. Other trading strategies include FISHBALL, PAPA, CALMA and more. We want to offer OFW’s, Employees and all Filipino people a chance to learn without paying a cent.
We also have a Youtube Channel wherein I myself discuss strategies and trading related topics.
Come join us. Let us push free learning.


You May Also Like

Protected: Stock Trap-10-27-2021
October 27, 2021
Pa Reserve Po
February 6, 2021
One Comment
mako solano
Noted. Thank you!