
Long-Term Trader Kuno!



I asked traders what was wrong sa pic na to and I get different responses. Meron nagsasabi dahil sa hype kaya ganyan. Meron nagsasabi dahil di marunong magcutloss agad. Iba iba ang opinion. What i will tell u now is important.

Imagine yourself buying a stock at bumagsak. Then, you calm yourself down sa idea na longterm ka naman at mga short term moves are nothing sa longterm goal mo. You keep holding on sa stock. Everyday you check minsan walang changes but most of the time bumabagsak lalo. A week passed by at di mo na ma take so you sold it at any availble price. You feel relieved. Next day umangat yung stock na yun and you blame yourself na sana pinanindigan mo na longterm ka. Next day umangat pa ulit so di ka nakatiis bumili ka. Sabi mo di mo muna bubuksan port mo para di ka matempt at longterm ka na talaga. Two days after naview mo sa investa ang stock na hawak mo bumagsak. Mas malalim pa ngayon kesa sa unang bagsak. Sabi mo sa sarili longterm ka naman so ok lang. A year from now taas na neto. Two weeks gone by at di gumagalaw nainip ka so binenta mo. Only to have it go up after two days. You are pissed. Feeling mo ang malas mo.

What’s wrong sa trader na to? I will answer that for you.

Yung problema ng trader na to has nothing to do with hype or yung hope. Ang problema ng trader na ito is di nagkakasundo ang personality niya sa trading style niya. Yung gusto niya is longterm. Maybe dahil nabasa niya story ni Warren Buffet. Maybe dahil narinig niya sa iba na less stress ang long term. So, gusto niya din ang longterm. Pero yung ugali nya at schedule eh pang swing trade or pang short term trade. Nagkakaroon ng pagkakaclash which di nya naman narerealize or nakikita. Akala nya biktima siya ng hype or hope.

How to adjust your trading style sa personality mo?

Ganito. Ask yourself sa schedule mo. Marami ka bang time magcheck ng market araw araw? That’s suited for daytraders. May work ka ba at once or twice ka lang maka check ng market araw araw?That’s suited for swing traders na inaabot days to weeks mula buy and pagsell. Wala ka bang oras mgcheck ng stock market? That’s suited sa mga position traders or longterm traders. Yan ang sa schedule.

Punta tayo sa ugali. Gusto mo ba ang price action sa trading? Parang nag eenjoy ka ba sa taas baba ng stock every minute or five minutes. Kaya mo ba na every EOD lang magcheck daily. Kaya mo ba na every month lang magcheck?

Ito yung mga bagay na di namamlayan or natututukan ng mga traders kasi focused sila masyado in perfecting their strategy.

If longterm ang views mo pero lagi ka ngchecheck maybe its time to switch. Walang longterm trader na minuminuto or oras oras nag uupdate sa price ng hawak niya. You may appreciate the benefit ng longterm traders pero di yan yung FIT mo. Gusto mo magswing or magdaytrade kasi marami ka nakikita gains lagi sa mga post ng ibang traders pero wala ka naman time mgbantay sa market. Maybe need mo e switch ang pgtrade mo into longterm. I use the term longterm sa pag describe sa position trading kasi yan naiintindihan ng newbies.

So, try ninyo e check if FIT ba ginagawa ninyo sa personality at schedule ninyo. Who knows baka yan pala ang mali nyo kaya nagkakaroon ng losses sa mga trades.

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group called Trader’s Lounge.
Our advocacy is sharing ideas, experiences and knowledge to traders for FREE. We offer free Technical Analysis, Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials for free.
We also have weekly lessons over there. We created different trading strategies like MAMA which made a lot of traders profitable. Other trading strategies include FISHBALL, PAPA, CALMA and more. We want to offer OFW’s, Employees and all Filipino people a chance to learn without paying a cent.
We also have a Youtube Channel wherein I myself discuss strategies and trading related topics.
Come join us. Let us push free learning.


You May Also Like

Protected: Relate Much?
September 16, 2021
Protected: LRW Explained Again (Benefits ng Dynamic Learning Sa TDS)
September 13, 2021
5 Comments
mako solano
This is very helpful advice! Thank youu
JENELYN CATALAN
Sobrang relate po ako dito. Huhu. Now I know. Thank youuu
Michael
thank you gandakoh for this advise.
Chingchuk
Thank you so much Gandakoh! Ngayon mas nakikilala ko na sarili ko.
Falcon
thank you po ms gandakoh..