Blog

MULTO

NANINIWALA BA KAYO SA MULTO?

Some naniniwala while yung iba naman hindi. Okey lang yun pero I guarantee you na pagkatapos ninyo basahin ang blog na ito ay maniniwala na kayo. 100% guaranteed.

E SET UP NATIN ANG MOOD

Bago ko simulan ang kwento eh set up muna natin ang mood.

Una, patayin mo yung ilaw.

Next, itabi ang ibang gadget.

Huminga ng malalim.

ONCE UPON A TIME...

Nagsimula ang lahat noong January 18, 2019 mga 9:13 ng umaga. Sa di inaasahan pangyayare ay naglabas ng disclosure ang PHA. Humingi sila ng voluntary trading suspension.

Ang mga kumpanya ay humihingi ng voluntary suspension kapag may ibabalita sila ke maganda man o masama basta sure sila na makakaapekto sa price at kailangan ng mga tao na ma-absorb or ma-internalize ang ibabalita nila.

Nagkaroon nga MOA or memorandum of agreement ang PHA sa isang company na me pangalang Sama Global na mag iinvest ang Sama Global ng 15 Billion pesos sa PHA.

Maraming natuwa. Maraming na excite.

Nilahad ni PHA kung saan niya gagamitin ang pera na makukuha nito.

Umangat si PHA. Maraming traders bumili. Maraming Fundamentalists nagkwenta agad ng future price ni PHA. Maraming Technician nagplot ng multiple breakout scenarios.

Gap Up

Mula 0.4 umabot 1.7+

Sabi pa nga ng ilan na bobo na lang daw ang di bibili ng PHA. Sure na sure na eh. Dagdag mo pa yung mga updates ni Pha na inaassure ang public.

Easy money yo!

BUT SUDDENLY...

“kaning kanina lang… pagkasaya saya”

“Ikaw na ang may sabi, na ako’y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo’y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo?”

Biglang di na mahagilap si Sama Global. Takbuhan ngayon mga traders. Paunahan sa pagbenta. Iyakan sa social media. Murahan. Bangayan. Away away.

Yung mga nagsabi na surebol ang PHA di na mahagilap. May natalo ng 1 Million pesos may natalo ng 500,000 pesos.

Mula 1.7 pesos bumagsak until 0.4. Ngayon nasa 0.29 na lang si PHA. Maraming naipit sa tuktok na di makalabas.

ANG TANONG

Paano ito nangyare? Paanong napayagan na magkaroon ng MOA at biglang nawala? Di ba ito harap harapan na panloloko? Paano nakalusot ang ganito? So, kahit sino lang pala pwede gumawa MOA at hintayin magreact ang news sa stocks. Bibili ka sa baba. Maglalabas MOA. Aangat. Magbenta ka 300% from the price na binilhan mo. Sabihing di na matuloy ang MOA dahil di na macontact partner mo. Mag apologize. Kakalma ang issue paglipas ng panahon. Ulitin mo na naman ulit kapag marami na nakalimot.

And to think na hindi ito yung unang beses may ganito sa PHA at sa iba pang stocks. I think pinaka famous dito was BW. Same style din na may good news or may investor na bigtime na dadating. Tapos yung ending wala naman pala. Pero some made a lot of money sa ganung process. Same din sa resorts kuno ni Cal noon. Same style iba iba lang ng stock.

Kaya yung mga umaasa na fair ang stock market magigising kayo sa katotohan as you experience more. Yung mga umaasa sa news yan lagi ang biktima. Ewan ko if naaalala nyo pa ang NOW na nagsabi sila 4th Telco tapos kinabukasan binawe.

ARE YOU SCARED?

Don’t be. Let me show you something.

Port ng ilang GUT yan. They traded PHA. Lilipat na sila lahat sa Mytrade. Yung iba nakalipat na di ko pa nakukuha screenshot ng port nila bago nagbenta. They traded PHA and earned money from it.

Yan ang beauty of having a trading set up na di reliant sa news. PHA can be an ugly stock sa tingin ng marami pero once may buy signal sa trading strategy ay bibilhin at bibilhin nila yan. If may sell signal ay e bebenta nila yan. Walang fear. Walang hope. Purely sticking sa strategy.

News is good. News is great. Ang problema lang is ang reliability ng news. Truth is wala kang alam sa nangyayare sa loob ng isang company. You can only see things from outside. Malay mo if totoo yung Sama Global. Malay mo if hindi. As an outsider wala kang first hand information na reliable.

So, naniniwala na kayo ngayon sa MULTO noh?

Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials. 

Interested to know about how you can profit in the stock market but have no time to study how to trade? Long-term investing through MARGe is for you. To know more, visit this link marge.com.ph

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group  Traders Den PH

Inside Traders Den PH  are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALLPAPACALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel 

We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent.  This is our way of giving back to the community.

Want to support our ADVOCACY? Click HERE

4 Comments

  • Ellen

    Haha, daming tawa dito maam GK.

    kaning kanina lang… pagkasaya saya”

    “Ikaw na ang may sabi, na ako’y mahal mo rin
    At sinabi mong ang pag-ibig mo’y di magbabago
    Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo?”

  • Jek

    Ito ung umubos s port q…..from 230k nging 135k ksgasagan ng pha….then binenta nlng ng .44 ata un..naglaho halos pera..shitt sakit…..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

X
%d bloggers like this: