Blog

Pandemic

For a few weeks now nag uusap usap kami ng mga mods at admins kung paano makahelp sa TL Family ngayong Pandemic.

We think kasi na ito yung mga oras kung saan kahit little help lang would mean a lot.

We came up with two ideas.

One Sack of Rice (cash equivalent if malayo)

Lahat ng TL Family member na nawalan ng work ngayong Pandemic kinuha namin name. We plan to give out one sack of rice or equivalent na pera if malayo sa bawat isa na nawalan work. Its not much but lahat ng yan ay galing sa sarili namin na pera. Nag ambag ambag kami. Di mo naman need maging mayaman to help. Need mo lang intention to help.

No pictures. No posts. Pure help lang.

Little Project

The next one na naisip namin is the reason nagblog ako today. We will have a platform to help out yung kapwa natin. This is outside trading. Wala kinalaman stock market dito.

Sa TL we also advocate sa Financial Literacy. As part of that drive gumawa kami bagong group.

PBC

Gumawa kami barter group. Normally yung barter group ay local lang but this time we made a nationwide group.

Sa mga familiar sa barter group alam nyo na. Sa mga hindi pa let me walk you through it.

Barter group is a facebook group kung saan pwede mo e barter kung ano meron ka sa kung ano meron yung iba.

kung my cp ka or camera na di mo ginagamit e post mo doon sa group and may mg ooffer sayo ng mga gamit din nila.

IF magustuhan mo ang offer mgkakaroon kayo deal.

The deal will be between you and the person nag offer.

Wala kami kita dito. This is just having a place kung saan pwede mgpalitan ng goods.

We just want to help out especially ngayon na Pandemic.

You will be very surprised how great a barter group is.

Wala po cash transactions. Pure barter lang po ito.

If my item ka post mo pic. Post mo kung saang lugar. Wait mo mga offers. If may nagustuhan ka mag usap kayo privately.

Real Account lang po ang tatanggapin mag join. One strike policy lang din po. If gumamit ka cash you will be removed. If nanloko ka you will be removed. If nabreak mo rules you will be removed.

Ngayong Pandemic we need to help each other. Di mo need magkaroon ng labis para mghelp. All you need is the intention to help.

Sa lahat ng TL Family mgdeclutter kayo at eh barter nyo. Invite your friends, families at nga kakilala. Tara magbarter tayo. Folow the link below.

4 Comments

  • Edwin Volante

    I got a redundant card from my current employer last June 30, 2020. My last day will be July 30, 2020.

  • Thaddy Boniquit

    Hi Mam GK – ask ko lang po if there’s any account that can be shared for those that would like to donate/share some amount as part of the initiative?

  • jocelyn elona

    salute to the mentorsparang yung time lang nanwala pang pera. so excited how this will go.

    God be with us all.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: