Blog

PSE Static Threshold

PSE just released this.

pse memo

I will explain it later but first let me congratulate people running PSE for thinking things through and di na inulit ang rush decision nila nakaraan which caused our market to go bananas even more. If di pa ninyo nabasa try to read my blog IDIOCY.

I mentioned sa blog post ko na to TOO BIG TOO FAST na PSE could have had reacted differently instead na nagdecide sila na eh shutdown ang market natin bigla locking up money of investors with no way to liquidate. This move of narrowing trading band is a better, wiser at pinag isipan na move compared sa pag shutdown ng market.

What does it mean? Mayroon tayong upper at lower lower static threshold which is kapag lower static threshold (floor price) ay 50% below the previous close or the last adjusted closing price at kapag upper static threshold (ceiling price) naman ay 50% above the previous close or the last adjusted closing price.

Here is an example:

Yan yung dati. Now PSE changed it to this:

This means that whereas a stock could previously go down by as much as 50 percent from the previous day’s closing rate, the new rule now limits the decline to 30 percent.

Sa isang araw kahit gaano pa kasama ang balita maximum na ibaba ng stock na hawak mo ay 30%. I think this is good. I said good not great. To me ang great news is yung ayusin na ng PSE ang shorting sa Pinas at e offer ito sa retailers covering all stocks not selected lang para kahit may crash or may pandemic ay may chance pa rin kumita mga traders at para di na magsilipatan mga paid gurus sa ibang markets hahaha.

Nasusunog kasi sila doon lalo lol.

I’m still waiting eh waive ng mga brokers fees nila for some time bilang pakikisama sa pandemic since lahat halos nag waive na ng fees mula SM rentals to other businesses nagtulong tulong na eh waive mga fees/rents nila for now. Yung Meralco at ibang banks nag extend ng date sa pagbayad as part ng pakikisama nila sa pandemic.

Few years from now I think yung move ng Department of Finance natin or ng Finance Secretary natin na magdagdag ng investment sa stock market sa time ng crisis will be a laughing stock sa Finance world. That was a day bago magshutdown ang PSE. Pag resume ng PSE gap down. Yung nilagay nila na pera ng tao from SSS at GSIS doble ipit. Di pa narerealize ng karamihan na ang pera sa SSS at GSIS which supposedly pang secured ng future ng Pinoy after retirement ay pinaglalaru.an at ginagamble ng iilang tao sa mga risky at reckless na investments. Walang ibang goverment sa mundo ang ang nagkaroon ng crisis at ang isa sa first response ng Finance Secretary ay ibili ng stock ang pera ng  state-run, social insurance program ng Pilipinas.

I’m enjoying the few opportunities this market offers. I have seen the market crash noong 2008 so I’m using all the ideas at experiences ko noon to handle this current crash now. Honestly, I’m enjoying it. Yung to be able to see yourself na nasa kabilang side kasi noon ang laki ng loss ko halos di makatulog ng ma experience ko ang crash. I did not have as big money noon as I have now but yung maexperience mo yung naku masakit. Ngayon I’m loving it. Here is a glimpse of some of my trades last friday. Konti lang trades ko noong friday kasi I managed to earned a lot nung grabe bagsak ng PSEi which was thursday yata if I’m not mistaken.

Below are the videos of my finished trades:

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group called Trader’s Lounge

Our advocacy is sharing ideas, experiences and knowledge to traders for FREE. We offer free Technical Analysis, Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials for free. 

We also have weekly lessons over there. We created different trading strategies like MAMA which made a lot of traders profitable. Other trading strategies include FISHBALL, PAPA, CALMA and more. We want to offer OFW’s, Employees and all Filipino people a chance to learn without paying a cent. 

We also have a Youtube Channel wherein I myself discuss strategies and trading related topics. 

Come join us. Let us push free learning. 

One Comment

  • mako solano

    Ang galing. Nung lockdown d ko tlga magawang magtrade. hahah. wala p ko confidence at d ko pa alam yung mga stat ni Ms.GK nun. thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

X
%d bloggers like this: