Blog

Sell-Out

ANO ANG PAGSELL OUT?

Ito ay yung nagsimula ka na may advocacy na isinusulong and then later on dahil sa pera ay tinalikuran mo ito.

WHAT IS TL?

TL is a facebook group na may layunin na eh spread ang free learning sa Filipino Traders. We started with less that 100 traders and now nasa almost 56K na ang kasapi ng TL Family.

MY TRADE

Traders complain a lot about their brokers. Lag, di maka log in, mabagal, etc. Most of our TL Family yan lagi complain kaya naghanap kami maayos na broker. Maraming broker nag approach sa amin. Some offered PSE data which costs a lot. Meron din offer ay cash kapalit promotion. Naging very careful kami sa pagpili. We ended up choosing MYTRADE as a broker na susupport namin dahil mabilis sila, maganda platform at higit sa lahat dahil ky China.

CHINA BARACHINA

Back when TL was I think 5k pa lang. China approached us. She liked the idea na we are pushing for free learning. We became friends. If naaalala ninyo si China nagpagawa ng dating cover photo ng TL. Bihira sa mga connected sa brokers ang mapagkakatiwalaan mo but China is one of those rare people. She is the biggest reason bakit we support mytrade. As a broker maganda ang mytrade. If you take time and take a look at their research makikita mo kinaiba nila sa lahat.

REFERRAL

We shared mytrade as our broker sa TL Family namin. For every account na ma-open TL receives 250 pesos. Yung offer ng ibang broker was bigger but we chose mytrade di based sa pera na mabibigay nila but dahil maganda sila at mas mapapa improve nila ang life ng TL traders.

SELL OUT

Yung advocacy ng TL is always to help for free. Walang intention ang TL na maging business or magprofit from traders. I opened up the referral fee sa inyo because I want to be honest. I want you to understand na hindi yan yung habol namin but to help. I want to give back sa inyo ang referral fee. If part ka ng TL Family at nag open ka ng account kindly email us sa traderslounge2019@gmail.com and we will send you the 250 pesos back. Sa mga hindi naman kukuha at chose to give it to TL, gagamitin namin yung fund na yan para e maintain ang kisschart and para ipa prize sa mga MAMA, FISHBALL, etc na pacontest sa TL. None of the money will go to any pockets. I have my own money. My pera din sarili mga mods at admins.

Traders love us that is why we grow. They trust us kaya nag oopen sila sa mytrade. Hindi namin sisirain ang trust at love na yun sa pera lang. I am a person of honor at principle. Yan kasi nakikita ko na mali sa iba. They had an advocacy but once money start to come in nagbabago na. Kami sa TL walang tinatago. Kaya ko nimention ang referral fee kasi I want you to know. I want to be honest sa inyo kahit pa kung tutuusin kahit di ko na sabihin. Wala kasi talaga ako care sa pera na yan. Ni piso wala ako kinuha sa pera na pumasok sa TL and that is why my admins at mods respect me kasi they can vouch for it. Wala akong kinuha at wala akong kukunin. If kukunin ng traders ang referral fee dahil ng open sila account ibibigay namin if not e support namin sa kisschart at ibabalik sa traders through games. As of today meron 80 new accounts opened but not funded sa mytrade na mula TL. May 150 more na nakapila

BASHERS

Dahil sa pagpush ng free learning nagkaroon ng konting bashers ang TL. Some of them mga nakick namin dati sa TL and most of them are person or people na ginagawang business ang ignorance ng newbies. Its funny nga kase they want TL na mamera so bad. They want to stop free learning so bad. Nagbabackfire lagi sa kanila mga attempts nila to spread any thing bad about TL kase nakikita naman ng traders and despite na some traders are ignorant sa trading, smart sila na person and alam nila kinaiba ng taong gustong tumulong at taong gustong magkapera. Kaya despite having a few people na nagbabash eh lumalaki ang TL. People will never support us if nakita nila na may mga hidden agenda kami. Mula ky Mark ng kisschart, kay PLtrades, sa mods, admins, mga ITs na nagmemaintain ng site, mga social media team ng TL… lahat ng bumubuo ng TL especially yung members ng TL… they support us and hindi namin e betray yun.

GIFT/SURPRISE

Dahil grabe ang support ninyo sa pag open ng mytrade at dahil may isa tayong TL member na sobrang bait. Let me talk about him for a little bit. Ayaw niya pamention ng name niya but let me call that person A. Si A ay sobrang gusto tumulong sa kapwa niya trader. Gumawa siya ng app. Siya mismo gumawa at siya mismo gumastos. If may idea kayo hindi ganun ka mura ang pag gawa ng app at pag register sa apple or playstore. Ni shoulder lahat yun ni A out of love. So di ko na patatagalin pa. As of today meron ng Tabula Rasa Course App na madownload ninyo. Lahat ng pag aaral na gusto ninyo ay nasa isang app na. Pwede ninyo e paaral sa wife or husband ninyo, sa kids, sa relatives at sa friends ninyo. This is your TL Family being true sa advocacy na e push ang free learning. I hope e download ninyo at gamitin. Free po ito. As long as you support us marami pa tayo magagawa na makabenefit ang family natin. As long as nandito ako everything will always be free. Let us grow together. Let us journey together. I’m so thankful and proud of our TL Family.

TABULA RASA COURSE APP

Where to get it?

Go to playstore. Di pa up yung para sa ios. for android pa lang ready. Soon hahabol yung for ios version.

Go to playstore: and search the exact text with apostrophe

“Tabula Rasa Course” or click  HERE.

Download and install. Don’t forget to write a review and rate. Watch out for more update sa app. Share this app sa friends niyo and family na interested sa trading. 

Thank you. 

28 Comments

  • cris

    Thank you for making it a success para matuto ang mga newbies for free. I have seen and read na sinisiraan talga nila ang TL. They say namemera daw at kawawa daw mga newbie which I don’t think hindi naman. This a good way of paying it forward sa mga newbies which I am happy. Thanks again GK and TL family.

  • senyorita

    I just downloaded it. Sobrang thank you. I’m so grateful naging part ako ng TL. Next thing to do is make an account sa mytrade.

    Little confession: Everytime nanunuod ako ng youtube videos sa trader’s lounge hindi ako nagsskip ng ads. Sa blogs naman kiniclick ko yung mga ads. That’s my on little way of supporting and giving back to the TL family. God bless you more.

  • Gr8addiction

    Newbie po ako at napapa ‘aww’ at napapa ‘wow’ sa sincerity ng lahat ng bumubuo ng TL syempre lalo na kay Ms. GK…Thank you for being a blessing! Long live TL! =)

  • Peachy

    I am in the middle of phase 1 and seeing this made me cry! Thank you for you and your team’s unselfishness and continued commitment to help newbies. Salute!

  • Jonalyn Milla

    Wow! Thank you TL family sa support lalo na po sa mga newbie like me. Done opening account and funded narin po. Pero hndi ko po kunin ang referral fee kasi sa totoo po ang learning na nakukuha namin dito sa TL family is Priceless po talaga. Kaya maraming maraming salamat sa lahat ng mga tao na patuloy na tumutulong sa advocacy ng free learning. GOD bless po Mam GK, Sir Mark, admins, mods at sa mga tao na tutulong pa. Excited na po sa trading journey ko!☝️

  • liza

    grabe mam sobra maraming salamat po tlga mam, hindi nyo po alam ang laki ng naitutulong nyo po samin mga OFW po…staysafe and healthy po lagi god bless.

  • Ja

    SOBRANG NAPAKASARAP MAGING FAMILY NG MGA TOTOONG TAO AT MAY INTEGRITY SA MGA GINAGAWA. MARAMING SALAMAT PO NG WALANG KATAPUSAN SA INYO MS.GK AND WHOLE TEAM. ❤️❤️❤️

    • tolaytz

      kudos to all! ang galing nyo ms GK and the team TL, marami akong natutunan..keep it up at maraming salamat…

  • Robertson N Ferrer

    Just opened new account s MyTrade. I opt not to get the referral fee. Thanks po s support nyo sa amin. May God bless you all the more as you bless us.

    • Cydmansg

      Wow! ito ang ibang level! thank you person A, thank you Mark, thank ms GK, thank you Mods and Admins, thank you TL Family!

      • Raymond Barberan

        Dito lang ako sa TL nakakita lahat free. Kya proud ako na naging member ako nito. Same kasi ito ng purpose ko. Para saan pa ba yung matutunan mo kung hindi mo rin isshare. And, education must be free.

    • Shanon Kyle Punzalan

      GRABE! Sobrang iba ka talaga Ms. Gandakoh, mabuhay ka pati ang TL family! You’re indeed a life changer to every current and future TL members

    • Joes

      Nakakaiyak sa pagka overwhelming itong group na to TL PH. Lahat nag nakakukuha namin tips , learning and knowledge share namin sa iba. Thank you Admins, Mods, Sir Mark, PL Trades, Sir A sympre po lalong lalo na sa iyo Ms. GK. Huwag po sana kayong mapagod sa pag guide sa amin. Thank Lord Im belong to this Group!

        • Gerard Vincent Antonio

          Nako! Thank you very much for this! very useful! Sobra sobra efforts para ishare samen lahat ng lessons! Maraming salamat! 🙂 God bless and may TL Family stay strong and united! 🙂

  • Thap

    Omg! Thank you po sobra. Mas mapapadali mag aral. I mean isang app lang pupuntahan tapos andon na lahat kasi totoo naman babalik balikan mo mga lessons para may retention at mas maintindihan pero since isa nalang sya na app rekta na don. Thank you so much!

  • Kashmira Barataman

    Gusto kong maiyak sa Love na meron kau! Nawa someday, pag magaling na ako sa trading, makatulong din ako sa mga kagaya ko, yung uuwi ang ofw sa pinas ng hnd hikahos. I love you all with the Love of the Lord!

    • Haeira

      Salute mam GandaKoh!!!wla p ata 1k c TL nung magjoin ako, pero now…just wow!56k members and counting…andami enhancements ng group…im just really amazed!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: