Blog

Stock Market sa Pilipinas

(Episode 4 here)

Nakarating na sina Don Pepot at Kiko sa private resort niya.

Don Pepot: Ipaghanda mo ako ng makakain.

Kiko: Masusunod Senyor.

Don Pepot: Ihanda mo rin ang fresh milk sa bath tub at maliligo ako mamaya.

Kiko: Masusunod po senyor.

Few hours later...ext Here

Kiko: Senyor, baka pwede mo na ipaliwanag ang stock market sa Pinas.

Don Pepot: Sige umupo ka. Ang stock market sa Pilipinas ay nanggaling lang din sa ibang bansa. Noong 1927 naitayo ang Manila Stocks Exchange at noong 1963 naman ang Makati Stocks Exchange. Pinagsama sila noong 1992 at yan na ngayon ang kilala ng karamihan na PSE o Philippine Stock Exchange. Kapag negosyante ka na kailangan mo pera pang expand ng negosyo mo ay pwede mo e benta ang shares ng negosyo o companya mo sa stock exchange. Mas mainam ito na paraan lumikom ng pera kesa umutang ka na merong interest. Kapag naipasok mo sa stock market ang kumpanya mo ang tawag sa unang presyo ng stock ng companya mo ay IPO o initial public offering.

Next time ipapaliwanag ko sayo yun. Sa ngayon ipapaliwanag ko lang sayo ang papel mo or ang impact ng stock market sayo.

Kiko: Sige sige gusto ko yan.

Don Pepot: Stock Market ang tawag pero hindi ito yung typical na palengke. Sa palengke bumibili ka at may seller na nagbebenta sayo. Kung ang presyo na sinabe ng DTI o ng local goverment sa lugar nyo ay 3 pesos per pack ng daing yun ang magiging presyo. Sa stock market naman iba. Sa stock market parang auction. Kunyara 3 pesos ang presyo kahapon pero may willing na bumili sa 3.05 pesos, yun ang magiging presyo. Minsan 3 pesos ang presyo kahapon pero walang willing bumili sa 3 pesos. Yung willing bumili ay nasa 2.95. Kapag may nagbenta sa 2.95 yun ang magiging presyo. Kaya sa stock market ang tawag sa buyers ay bidders at ang tawag sa buy ay bid kase literal na nagbibidding sila sa presyo. Ang tawag sa sell naman ay offer or ask kasi yun yung offer price ng mga gusto mgbenta.

Kiko: Ganun pala. Kaya pala bid and ask!Tsk! Auction pala at hindi palengke style.

Don Pepot: Ngayon ikaw na ordinaryong mamayan ganito ang impact ng stock market sayo. Ang stock market ay isang way para ka kumita ng pera. Income stream.

Kiko: Ganun po ba? Don Pepot: Oo. Kapag nabili mo ang isang stock sa 3 pesos at nabenta mo sa mataas na halaga ay kikita ka. Maganda ang stock market kase nagbibigay ito ng tsansa sa mga ordinaryong tao na magkaroon ng income na hindi na kailangan magnegosyo o magtrabaho.

Kiko: Wow! Don Pepot: Normal na paraan para magkapera ang ordinaryong tao ay magttrabaho ito para magkasweldo o di kaya magbebenta ng kung ano meaning mgtatayo negosyo para mgkapera. Yung stock market ay isang option na magkapera ka without having to work or creating a business. Sa trabaho mo may risk na pwede ka matanggal sa trabaho kapag di ka umayos. Sa negosyo naman pwede ka malugi kapag mahina negosyo mo. Sa stock market meron din na kapag di ka maayos magtrade or mag invest at matatalo ka. Sa lahat ng bagay sa mundo may ganun. Ang tawag dun ay risk. Kung ma e manage mo ang risk ng maayos sa stock market, maganda itong source ng income.

Kiko: Wow….

Don Pepot: Marami pa ako ituturo sayo sa stock market…

Kiko: Salamat po senyor..

Abangan….

One Comment

  • IAN

    This series makes it very easy for anybody to understand these topics. Yung tipong kahit na sa High School or teenagers mo ito ipapabasa, maiintindihan nila yung concept. Simply because it doesn’t make use of too much jargons.

    It gives you the history of the market, how it works in such a simple way na hindi mo kelangang magkamot ng ulo dahil hindi mo siya maintindihan.

    This is one of the beauty of reading your blogs – simple, informative, and very educational. Inclussive siya – kahit sino, kahit gaano katanda okay yung content.

    Kudos and grace to you Ms. Gk!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: