Traders Lounge PH Forum
Blog

THE LAUNCH

MY TL FAMILY

are you excited gif

Today we will start a new journey together.

BACKGROUND

Before we unveil yung e lalaunch namin let me tell you a little bit about me. Long before nagkaroon ng investagrams mayroong tinatawag na FINANCE MANILA. This was way before all these facebook trading groups like TAP, TSUPITERO, TRADERS EMPIRE, etc.

 

I was a member of finance manila. Newbies pa lang noon doon yung mga iniidolo ninyo now. Masaya sa FinANCE manila noon kasi iba ibang uri ng traders ang nandoon. Mayroong mahilig sa FUNDAMENTALS at meron naman na mahilig sa TECHNICALS. We had a lot of healthy conversations. May mga pagtatalo but most naman productive.

A part of me died nung nawala ang FINANCE MANILA. Ngayon pinalitan na ng mga sites na kung saan halos hype lang at payabangan. Lahat may kanya kanyang agenda.

THE PROBLEM

When I created Trader’s Lounge I made sure na bawal ang HYPE, RECO at PAGBEBENTA ng kung anu-ano sa loob. Sa TL makikita mo mga healthy discussions. Maraming learnings. Maraming ideas. May mga strategies.

What it lacks is stock-specific na discussion.

I forbid to have those sa TL and I have a good reason in doing so. My reason is it will be a place na instead makatulong ay mas makakasama dahil sa hype at bash. Most ng ginagawa ko at rules sa TL are not by accident. They are by design. They came from analysis of other facebook groups. Ano ba ang maayos sa Tsupitero, TAP, etc. at ano ba ang panget. I usually approach things ng ganyan. I took all those “maayos” and inapply sa TL then removed those na “panget.”

Naging safe haven ng newbies ang Trader’s Lounge.

TL lacks one thing. Yung lugar kung saan pwede at malayang pag-usapan ang stock. Dahil dito nag isip kami ng paraan paano ma e address ang bagay na ito.

Paano magkaroon ng lugar kung saan pwede mag usap ang traders about stocks but maiiwasan ang hype/bash if not maiwasan at least ma moderate.

We came up with a lot of ideas. We filtered all those ideas and arrived with one solution.

THE TRADERS LOUNGE PH FORUM

traders lounge ph forum

Let me introduce you to your new home.

Traders Lounge Ph Forum Link

WHAT'S THIS ALL ABOUT?

Its a forum dedicated to TL FAMILY.

Dito tayo mag uusap tungkol sa stocks.

You need to register to get in.

traders lounge forum

May section about STOCKS. May section about TRADER’s OPINION.

traders lounge forum
traders lounge forum

Lahat ng stocks sa PSE ay nandiyan. When you enter BLOOM for example, makikita mo information about BLOOM. Mgalatest news at disclosures. Opinions ko. Opinions ng ibang traders at pwede ka rin magbigay ng opinion mo by commenting.

traders lounge forum
traders lounge forum

Members will have profiles. You earn a badge depende sa dami ng comments or post mo.

traders lounge forum
traders lounge forum

May iba’t ibang level ang badges. It’s a race.

The first one na maging GODLIKE will receive 5,000 pesos.
traders lounge forum

HOW CAN THIS FORUM HELP ME?

I will explain how will this help you. You will have an edge sa ibang traders. Lahat ng latest news at disclosures at lalabas sa bawat stock.

If nagdadalawang isip ka kung bibili ka ng SMPH or RLC punta ka lang sa forum at makikita mo lahat ng information tungkol sa SMPH at RLC that will help you decide.

This will also act as a history. A year from now at gusto mo balikan mga nangyare sa isang stock all you need to do is go sa forum at makikita mo lahat ng information mula sa simula ng forum.

EXCHANGE OF IDEAS

Traders will fill each stock with their comments at ideas. Magkakaroon ng maraming interaction.

“panget earnings ni CEB, ingat guys”

“May bagong project si BSC ah”

HYPE

Mababawasan ang hype or at least ma momoderate kasi if may hawak ka na stock ni ABA for example. Doon ka lang sa topic na ABA pwede maglagay ng opinion mo about ABA. Hindi ka pwede maglagay opinion mo about ky ABA sa ibang stocks like CAB kasi about ky CAB lang din ang pag uusapan doon. We will moderate the forum well kaya mamomonitor din.

TRADER'S OPINION

May sections doon about trader’s opinion kung saan pwede ka mgpost ng opinion mo. It can be about your broker. It can be about the condition of stock market. It can be about scams. It can be anything na PSE related topics.

WILL YOU BE THERE MA'AM GANDAKOH?

Absolutely. I will be there more than you. I will post opinions. I will moderate. Mang aasar ako sa inyo. I will make sure na this will be our home. Finance Manila helped me a lot sa trading. This is my way of helping my TL family too. This will be your edge against sa ibang traders sa labas.

MAY BAYAD PO BA ITO MAAM?

Maintaining the site has fees. You don’t have to worry about it. Ads will take care of it at kung kulang eh ako na bahala magbayad. This forum will be for free. Purpose nito is tumulong at hindi maging tool para magkapera kami. hehe.

WILL WE HAVE OUR OWN CHARTING PLATFORM MA'AM?

YES! I won’t give you further details but yes and it will be connected din sa forum natin. There are some people working behind the scenes para doon but I cannot disclosed it yet. When it is ready we will announce it for now focus muna sa forum.

WHY ARE YOU DOING THIS MAAM?

I want to help. Aside doon gusto ko din talaga magkaroon ng lugar kung saan mga same ng hilig ang makakausap ko. Kokonti lang naman kasi Traders sa Pilipinas. Mukha tayong weirdo sa mata ng iba hahaha. Gusto ko tumambay. Gusto ko makipag usap about sa stocks. Gusto ko makatulong. Be the change you want sa community.

Yung APP version nito hindi nahabol matapos, isusunod nalang. 

FINAL WORDS?

Tara na! Samahan ninyo ako sa bago nating bahay. Mahaba-habang tambayan ito. hehehe!

See you there.

Click here to redirect you Traders Lounge Ph Forum Page.
Congrats sa makakakuha ng 5k yung mauunang maging GODLIKE!

KEEP THIS SA ATIN LANG. PANG TL FAMILY LANG ITO. MAGKAKAROON TAYO SARILING MUNDO!

we are family
we are family

117 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: