Tricks and Tactics

Tricks and Tactics: Pre-Open Moves (Full Blog)

The first tricks and tactics blog post was about hype. We now move on to Pre-open Moves.

This is the time kung saan pwede ka maglagay ng buy or sell order mo sa PSE at pwede mo pa itong ma cancel if nagbago isip mo until 9:15 wherein by 9:15 hanggang 9:30 ay hindi mo na pwede ma cancel ang order mo.

How to abuse this? Let me show you.

Please do take note that all the harsh words are for emphasis at to drive a point lang. I do not mean it. I need to use it lang to drive a point.

Newbies are idiots. They are the pigs that are being slaughtered. They are sacrificial lambs. They enter stock market with close to zero knowledge and think they will make it. It is only right that we abuse them.

Imagine yourself na nasa bahay sa Sunday. Newbie ka and excited ka mag Monday. May pa post ka pa sa facebook na “The difference between a trader and an employee is that We traders actually look forward to Monday” hash tag feeling blessed.

Monday comes at mga 8:30 open na account mo. Ready ka na magtrade. Excited, kinikilig at full of enthusiasm. Maraming stocks nasa watchlist mo. Now, VLL, Tech, Euro at iba pa.

Sumilip ka sa ibang facebook trading group pinag uusapan si NOW. Sumilip ka sa investagrams number 1 sa trending topic si NOW.

By 9:00 nakita mo marami bidders ky NOW. Ang tataas ng bid nila.

Tiningnan mo ang projected price nasa 1.9 pesos.

Gap up siya kasi nagclose lang last friday sa 1.41 pesos. Naisip mo “May good news to kasi di naman magbibid mga traders kung wala silang nakikitang maganda. Baka mga insider to na may naunang alam.” Nag bid ka 75,000 shares sa 2.1 pesos at 75,000 shares sa 2.05 pesos para makisabay. Tuwang tuwa ka. Kumuha ka muna ng kape para enjoy ang pagtrade mo. Habang tumitimpla ka ng kape napaisip ka ” Ha! Easy money meeeehhn!”

Pagbalik mo mula sa pgtitimpla kape 9:15 na. Nagulat ka nawala bigla mga bids. Yung sayo na lang natitira.

Sinubukan mo na e cancel. Ayaw! Biglang may naglagay sell 200,000 shares sa 1.8 pesos. Ang projected opening ngayon is 1.8 pesos pero next bid mula sayo ay 1.41 pesos with 5,000 shares.

By 9:30 nagbukas na ang market at opening price ni NOW ay nasa 1.8 after few minutes nasa 1.41 na ulit si NOW. Automatic laki na ng loss mo. Di mo alam ano nangyare.

Ano nga ba nangyare? Ito yun.

Mga newbies are idiots. Paano ba sila abusuhin? Sige post ka ng HYPE. Please refer to TRICKS and TACTICS: HYPE  kung paano ito.

Bili ka ng Now Friday or previous trading day.

Post ka gamit multiple “legit-looking” accounts mo sa mga facebook trading groups ng hype about ky NOW.

Punta ka investagrams. Post ka hype ky NOW. E comment mo iba’t ibang account mo at ng kaibigan mo.

Magdrama ka. Kunyare may away or bashers. Damihan mo ang post para magtrending si NOW. Iba ibang account gamitin mo kasama accounts ng kaibigan mo. Don’t stop hanggang hindi napabilang si NOW sa trending topics. Maraming idiot newbies na yan ang binabantayan.

Kapag nagtrending na ang NOW pumunta ka naman sa trading account mo. Hintaying mo 9:00 AM ng lunes. By 9:00 AM tingnan mo ano ang ceiling price ni NOW.

Magbid ka malapit doon ng malaking amount. Magbid ka rin o mga kaibigan mo sa ibang price na malapit din doon. Makikita ng newbies yan. Magiiba ang projected price dahil sa bids mo. Aakalain nila ngayon gap up pag open.

Hayaan mo lang ang bid mo until 9:13 or 9:14 AM.

By 9:13 or 9:14 AM e cancel mo bid mo.

Maiiwan ang bid ng newbies. By 9:15 hindi na nila macancel yan.

Yung nabili mo na NOW last friday or previous trading day e benta mo ngayon sa mataas na price. Benta mo sa 1.8 pesos. Pwede mo e sell order agad pwede rin na hintayin mo mga 9:29 bago maglagay ng sell order para smooth at wala sila gaanong makita.

This image has an empty alt attribute; its file name is 11-2.jpg

Tubong lugaw ka. Easy money. Pangiti ngiti ka at magkape.

Why do traders do these things?

Well, because they can. There is no ethical or non-ethical things sa trading. Meron lang kikita ka or malulugi. Di ka naman nila kamag anak. Wala silang pake sa feelings mo. Di mo iniingatan pera mo kaya para sa kanila mas nakabubuti na sa bulsa nila mapunta.

How to avoid this?

Stay away from trading groups or social media platform na laganap ang hype. Stay away sa opinion ng iba. Create a trading system at e follow mo yun. MAMA traders normally buy at EOD so wala sila pake sa nangyayare sa pre-open or sa trading day kung wala silang hawak na stock. Buy kapag sinabe ng system mo na buy or kapag may buy signal ka. Sell kapag sinabe ng system mo na sell or may sell signal ka.

If you see any hype na post comment APPLES to let your TL brothers and sisters know para ma warn sila. Yan ang secret code natin. Whenever you see an APPLES na comment stay away ka na agad sa post na yun. Stay tuned. Next Tricks and Tactics topic is Fool Them Sa Closing.

107 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: