Tricks and Tactics

Tricks And Tactics: S.E.L.L.I.N.G.

Bakit hinohold mo pa din ang stock na yan kahit ang laki na ng loss mo? Martyr?

Ang dahilan daw ng di pagbenta ng tao kahit loss na siya ay deeper than just the stubborness to sell.

It’s about daw sa di pagtanggap ng pagkakamali. Kapag binenta mo yang hawak mo at a loss para mo na rin daw inamin na mali ka.

This can be rectified by understanding one’s self daw. It will take a lot of self-evaluation at control ng emotion daw.

Well…

Meeeh! Screw that! Let me give you a shortcut. I will shift your mindset really quick! 

Read the rest of these as slowly as possible.

Isipin mo bumili ka sasakyan. Pinaghirapan mo ang pera. Aalagaan mo ang sasakyan. Plano mo e gala kung saan saan. Plano mo e car wash weekly. Then biglang nalubog sa baha dahil ky Mr. Undoy. Lab na lab mo ang sasakyan but wala ka choice but to sell it kasi nabasa na ng baha at may mas importante ka na pag gagamitan ng pera.

You sit there day and night thinking other ways mgkapera instead e benta sasakyan mo.

“Mag loan kaya ako?”

“Sali kaya ako sa investa cup tapos magpaseminar after?”

“Open pa ba ang Kapa baka pwede ako dun?”

You try and try to find other things na pwede gawin kesa e benta ang mahal mo na sasakyan.

“Pinaghirapan ko pinambili ko nito eh!”

Ganyan most sa inyo sa stock na hawak ninyo.

Now, let that bulb light up sa mind ninyo.

Here it is.

Nakikita ninyo ba yung mga buyers and sellers ng sasakyan? They don’t care about the car. They will sell it. Ke anong brand. Ke anong year. Ke anong hugis. To them a car is a car.

They are in the business of buying and selling to get money. Wala silang attachment sa car.

Teka lang may isa pa.

Kunyare may alaga ka na aso. Tawagin nating si BOH.

Ok, si Pulgas na lang baka ma issue pa. Tawagin nating si Pulgas. Pinapakain mo. Pinapaliguan. Napamahal na sayo.

Dumating ngayon pinsan mo at nakita si Pulgas. Gusto niya e regalo sa anak niya si Pulgas kasi matagal na hiling ng anak niya na magkaroon ng aso. Sinabihan ka na bibilhin niya sayo kahit mgkano. Hindi ka pumayag.

“Part na ng family namin si Pulgas insan eh. Sorry”

Ngayon think about those who buy and sell pets. Pinapakain din naman nila at pinapaliguan pets nila. Yung kinaiba lang is they have no attachment sa pets kasi they are there to buy and sell pets.

Write this down on a piece of paper at stick mo sa harapan ng trading computer mo.

                         You are here to buy and sell stocks.

Gaya ng petshop owner. Gaya ng car salesman. Your job is to buy and sell. So you buy and you should sell.

That’s the trick I use. That’s the trick I was taught. Try ninyo. It will be amazing.

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group called Trader’s Lounge

Our advocacy is sharing ideas, experiences and, knowledge to traders for FREE. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials. 

There are available weekly lessons inside. We created different trading strategies like MAMA which made a lot of traders profitable. Other trading strategies include FISHBALL, PAPA, CALMA and more. We want to offer OFW’s, Employees and all Filipino people a chance to learn without paying a cent. 

Youtube Channel  is also available where you can watch and listen to my discussions on strategies and trading related topics. 

Come join us. Let us push free learning. 

21 Comments

  • Raymund

    ibang approach to. tama nga naman. we are here to buy and sell stocks.
    no strings attached dapat.
    i was enlightened… thank you Ms. Ganda.

  • Elmer

    napakadaming mali sa mga pinaggagawa ko nuon,
    “Brick by brick my citizen, brick by brick”- Roman Emperor

    Maraming Salamat ms Gandakoh at sa TL Family..Fly High
    “Brick by Brick”

  • Paolo

    Cute siguro si BOH eh~ si pulgas pla kaya di maibenta ke Insan HAHAHAHA!
    Thank you Ms.Gandakoh sa mga Blogs mo po =)

  • Icko Sai

    Kaso po napamahal na po sa ken si $ICT lalo na nung binili ko sya ng P126. Charet!

    Pero dahil po sa inyo natutunan ko ng magcutloss na hindi ko naman ginagawa sa mga negative stocks ko. Salamat at narealize ko mabilis pala magmove on lalo na kapag walang emostional attachment.

    Next kong bebenta yung jowa ko po… char! 🙂

    Keep it up! Marami na po kayong natutulungan.

  • Luke

    “You are here to buy and sell stocks.” Gaya ng petshop owner. Gaya ng car salesman. Your job is to buy and sell. So you buy and you should sell.

    This was always abstract to me and now this is the clearest explanation why we need to cut loss.
    Thank you!

  • Rolly

    Yep.. every trader needs discipline for risk management purposes kapag di nasunod yung plano execute yung cutloss to protect the capital. Thanks sa reminder Gandakoh

  • Nhellie

    Tumpak! Sapul na naman ako! No attachment at emotions involve sa stocks na hawak mo. Nagcutloss na nga ako. And then re entry sa ilalim. And nag bounce, unti unti nababawi ko loss ko…

  • Netedmond

    Thanks for the very enlighten advice, this is 101% correct,We have to accept the fact na hindi araw araw PASKO.Ang Gulong ay bilog at umiikot at kailangan natin ng acceptance kung saang position naroon tayo.Sa isang basket ng kamatis kung may isang bulok,mas makakabuti na alisin at itapon bago pa madamay lahat.Hope more of this quality blog in the future and let’s all grow together in this group.

  • jats & jam

    Masakit na naman bangs ko, sapul na naman haha…….

    Maraming salamat po sa patuloy na pag gabay at pagpapalakas ng loob lalo na sa tulad kong ‘ipit’ hehe.

  • Irish Palahang

    TAMAAAAAA!!!!!Hahaha..kahit masakit ang talo ay talo at kelangan ng bitawan..mababawi naman yun sa sipag at disiplina 🙂 salamat po Gandakoh

  • Jaime

    Bakit ba lagi kang tama?
    NAKAKABILIB ng SOBRA.
    Unfollow ko na nga lahat ng Trading Pages na naka join ako. Enough na talaga ang TL
    Thanks.

  • Erwinski Rayos

    hahaha, lagi ba tama si mam.. nkaka adik na nga ung mga bagong blogpost eh, noted po mam we are here to “buy and sell stocks”, Thank you po ulit!

  • Dee

    Inaano ba kita? Nagcut loss na nga kahit masakit! Eto ngayon, nakakabawi kahit paonti-onti… Kaasar ‘to lagi na lang tama! LOL.
    Sobrang nakatulong sa psych ko ‘yung pagcutloss ng less than 100k. 2 years ko ring hinold… sa mga makakabasa neto, pera nyo pa rin yan pero talagang laking tulong ng pagmo move on. ARALIN NYO LANG. Salamat nang marami, Miss Gandakoh. Tunog fantard na ko ah. hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: