Blog

What is Stock market?

(Episode 3 here)

Nagdadrive sina Kiko at Don Pepot gamit ang kanyang Ferrari na red papunta sa resort ni Don Pepot sa Batangas.

Kiko: Senyor, sa tingin kp kailangan natin magpa gasolina. Di aabot gasolina natin.

Don Pepot: Ok, hanap ka.

Kiko: Ayun Senyor may gasoline station, liliko ko sasakyan.

5 Minutes Later...

Kiko: Senyor, may nauna sa atin na tatlong sasakyan. Kailangan natin maghintay at pumila.

Don Pepot: Hintay?Pila?Ano yang mga salita na yan?Di ko maintindihan yan. Wala sa bokabolaryo ko yan.

Kiko: Ano gusto mo gawin natin Senyor? Labas ko ba machine gun sa likod at takutin sila?

Don Pepot: Wag kang mapusok. Heto 50 Million. Bilhin mo ang gasoline station na ito. Sabihan mo keep the change.

Kiko: Masusunod po.

Nagpatuloy sa pagdrive sina Kiko at Don Pepot matapos nilang bilhin ang isang gasoline station.

Kiko: Senyor, pwede ba ako mag ask ng question?

Don Pepot: “ask a question?” Kinakabahan ako kapag nag eenglish ka. Ano yung gusto mo itanong?

Kiko: Want me filled Senyor.

Don Pepot: Ano? Anong want me filled?

Kiko: Want me filled. Sa tagalog gusto ko malaman.

Don Pepot: walang want me filled. Tagalugin mo na lang Kiko.

Kiko: Gusto ko kase malaman kung ano ba ang stock market.

Don Pepot: ahhh sige papaliwanag ko. Noong unang panahon may mga negosyante sa Europa na gusto magtayo ng malalaking negosyo. Sa sobrang laki ng mga negosyo na gusto nila itayo hindi ito kakayaning kapitalan ng iisa o dalawang negosyante lang. Kakailanganin maramihan. Ang nangyare ay pinag ipunan ng mga negosyante. Ambagan sila ng pera para ma itayo ang negosyo. Dahil marami sila kaya nagkaroon bawat isa ng parte or share. Tinawag nila yung modelo ng pag negosyo na yun na joint-stock companies. Ang orig nito ay Dutch, joint-stock companies became a viable business model para sa mga struggling na negosyo. In 1602, the Dutch East India Co. issued the first paper shares. This exchangeable medium allowed shareholders to conveniently buy, sell and trade their stock with other shareholders and investors.

Kiko: Business model? Yung parang si Sam Pinto?

Don Pepot: tao na modelo naman yang sinasabe mo. Business model iba yun. Sampolan kita. Alam mo yung networking?Yung multi level marketing?

Kiko: opcorz!open minded ini!

Don Pepot: Parang ganun. May sarili o bagong uri ng pagnenegosyo dati na tinawag nila networking. Naging matagumpay ito kaya lumaki at lumawak. Sa sobrang success nito ay kumalat ito sa ibat ibang bansa. Ganun din ang joint stock companies. Yung idea o business model na yun was so successful that the selling of shares spread to other maritime powers such as Portugal, Spain and France. Eventually, the practice found its way to England. Lumaki. Lumawak. Volume of shares increased na kinailangan na ng organized marketplace to exchange these shares.As a result, stock traders decided to meet at a London coffeehouse, which they used as a marketplace. Eventually, they took over the coffeehouse and, in 1773, changed its name to the “stock exchange.” Thus, the first exchange, the London Stock Exchange, was founded. The idea made its way to the American colonies with an exchange started in Philadelphia in 1790.

Kiko: May shortcut ba pag explain Senyor?

Don Pepot: Negosyante ka. Kailangan mo mag expand o gusto mo palaguin at palakihin negosyo mo pero wala kang capital or pera na malaki. E benta mo ngayon mga parte o shares ng kumpanya mo sa ibang negosyante din. Ang pinagbentahan mo na pera ay yun yung gagamitin mo pagpalago ng negosyo mo. Naging sobrang popular ng diskarte na ito na kumalat na sa buong Europe. Kumalat din ito sa America. Para maayos ang systema ngkaroon ng organisadong pamamaraan. Naitayo ang mga exchanges. Nagkaroon ng mga rules. Dumating sa punto na yung mga negosyante sa Europe na gusto bumili ng shares ng negosyo na nasa America ay pwede na. Hanggang sa dumating sa punto na kahit di ka negosyante pero mapera ka eh pwede ka bumili shares. Hanggang dumating sa punto na kahit di ka maperaor ordinaryong tao ka lang ay pwede ka bumili ng shares. Dun pumapasok ang tulad mo.

Kiko: Sa ordinaryong tao?

Don Pepot: Hindi. Sa walang pera.

Kiko: Aray. The truth is the hurts.

Kiko: Eh yung dito sa Pinas. Ano ba ang stock market dito?

Don Pepot: Papaliwanag ko yan dahil marami di nila tunay na naiintindihan yan… Abangan…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *